Chie pumalag sa patutsada ni Dawn: ‘Your mouth is full of lies!’

Chie pumalag sa patutsada ni Dawn: ‘Your mouth is full of lies!’

Pauline del Rosario - January 25, 2025 - 09:25 AM

Chie pumalag sa patutsada ni Dawn: ‘Your mouth is full of lies!’

Chie Filomeno, Dawn Chang

IT never happened at puro kasinungalingan!

‘Yan ang naging reaksyon ni Chie Filomeno matapos ang mga patutsada ni Dawn Chang laban sa kanya.

Kumakalat ngayon sa social media ang dating interview ni Dawn na inusisa sa online show na “The Men’s Room” kung may nakaaway na itong artista.

Ang sagot niya: “Meron isa lang, pero pinagtanggol ko lang sarili ko ah. Etong si girl nagre-rehearse kami ng dance inagawan ba naman ako ng position sa steps tapos inaway ako, nagpa-interview pa –ako daw nang-away.”

Baka Bet Mo: Chie Filomeno biglang binato habang nasa stage, inurot na magdemanda

Follow-up ng host sa kanya habang natatawa, “Si Cristy Fermin ba ‘yan?”

Hirit naman ni Dawn, “Hindi ‘no pero ka-initials niya at meron na siyang sinabunutan dati.”

Bilang nag-trending itong patama ni Dawn kay Chie ay pumalag naman agad ang huli.

Sa X (dating Twitter), ibinandera ni Chie ang isang photo quote card ng nasabing interview at sabay tag kay Dawn.

“Oh bakit nahiya ka pa pangalanan ako @thedawnchang? [laughing emoji],” bungad niya sa post.

Paglilinaw ni Chie, “About the rehearsal, that NEVER happened. At alam ng prod sa Showtime yun.” 

“Actually yung staff sa showtime nagsabi sa akin about this kanina at nagulat din sila. Your mouth is full of lies talaga no?” palaban na sabi ng aktres.

Aniya pa, “Sige nga bakit ko muna hinila yung buhok? Balik ko sa’yo sinabi mo ‘Pinagtanggol ko lang sarili ko ah’.”

Kasunod niyan ang isa pang tweet ni Chie na pinagsabihan muli si Dawn.

“Naka move on na lahat. Tahimik na buhay ko, andoon pa din si ate mo Dawn. 2025 na, tumigil ka na kung hindi mo kaya mag name drop [folded hands emoji],” wika niya. 

Aniya pa, “Last ko na to [peace sign, dancing woman emojis].”

Sa dating interview, nabanggit naman ni Dawn na naka-move on na siya sa nasabing insidente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hindi niya deretsang sinabi kung sino ang pa-blind item niya, pero ibinulong niya ito sa hosts na sina Stanley Chi at Anjo Yllana.

Kung matatandaan, sumikat sina Dawn at Chie nang sumali sila sa “Pinoy Big Brother.”

Naging miyembro din sila ng GirlTrends, ang all-female group ng “It’s Showtime”, kung saan doon na nagsimulang kumalat ang mga chika na may isyu o alitan sina Chie at Dawn.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending