David Licauco umiyak nang dahil sa babae; na-trauma nang mamatay ang BFF

David Licauco
NI-REVEAL ng Pambansang Ginoo na si David Licauco na ilang beses na rin siyang umiyak nang dahil sa sobrang pagmamahal sa babae.
Aminado ang Kapuso matinee idol na iyakin siya sa tunay na buhay at dito raw siya humuhugot kapag may mga madadramang eksena siya sa teleserye at pelikula.
Kaya naman nagmarka talaga ang pagganap niya bilang si Fidel sa “Maria Clara at Ibarra,” as Carding sa “Maging Sino Ka Man,” Hiroshi sa “Pulang Araw,” at ang latest, bilang Reverend Sam sa pelikulang “Samahan ng Mga Makasalanan.”
Sa panayam ng “Kapuso Mo Jessica Soho”, inalala ni David ang isa sa kanyang crying moments nang ihatid niya sa Australia ang kanyang sister.
“Naiyak po ako. Kasi, ‘Uy, ito ‘yung baby girl ko dati ha. Tapos ngayon, big girl na,'” kuwento ni David.
Pagpapatuloy niya, “Sa relationships, ‘di ba? Sometimes, kapag nao-overwhelm lang ako sa nangyayari, for example, sobrang mahal mo ‘yung babae, naiyak na ako.”
“This is me. I love myself. I accept myself for who I am,” aniya pa.
View this post on Instagram
Pag-amin ni David, nagkaroon siya ng limang serious relationships, “Lapitin ako ng relationship. May mga iba po na sila ‘yung nang-iwan. Mayroon din iba na ako ‘yung nang-iwan.”
Pero ang pinakamatinding “hugot” daw niya sa buhay ay nang mamatay ang best friend niya sa isang car accident noong 2013. Pauwi na raw sila noon galing sa Tagaytay nang mabangga sila sa isang gas truck.
“Kumalahati ‘yung kotse. Nasa harapan po ako. I had a seatbelt injury. I couldn’t breathe.
“Kapag bata ka po, ayaw n’yo mag-seatbelt kasi parang hassle, eh. And then, may parking boy. For some reason, nandu’n siya sa side ko.
“And then, sabi niya sa akin, ‘Sir, seatbelt po ah. Ingat lang po kayo.’ That stuck in me. Nag-seatbelt po ako. And kung hindi po dahil sa parking boy, eh, wala po tayong interview ngayon,” pagbabahagi ni David.
“The seatbelt saved my life,” ayon pa kay David.
Na-comatose ang kanyang kaibigan hanggang sa pumanaw na nga na nagresulta sa pagkakaroon niya ng trauma kapag dumadaan siya sa SLEX.
Sa ngayon ay okay na siya at nagpapasalamat sa pagliligtas sa kanya ng guardian angel, “I think it’s just a matter of valuing your friends and family, your loved ones because you never know. Baka tomorrow may mawala po.
“I think it’s always nice to let your friends and family know that you love them and you care for them,” sey ni David.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.