David Licauco focus muna sa pamilya ngayong Holy Week

David Licauco focus muna sa pamilya ngayong Holy Week

Therese Arceo - April 15, 2025 - 05:41 PM

David Licauco focus muna sa pamilya ngayong Holy Week

FAMILY first muna ang atake ng tinaguriaang Pambansang Ginoo na si David Licauco ngayong Holy Week 2025.

Sa kanyang panayam sa GMA nitong Lunes, April 14, sinabi niyang maglalaan muna siya ng oras sa pamilya.

Nais ni David na bumawi sa kanyang pamilya lalo na’t kaliwa’t kanan ang kanyang mga projects at naging busy siya sa mga nagdaang buwan.

Happy rin ang aktor dahil magkakaroon siya ng time para sa tradisyon ng kanilang pamilya tuwing Semana Santa.

Baka Bet Mo: David Licauco hiyang-hiya nang landiin ni Sanya Lopez nang naka-bikini

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“This Holy Week, I will be with my family. We will do the seven churches, Visita Iglesia. ‘Yon kasi ‘yong family tradition namin in the past years,” saad ni David.

Looking forward rin ang aktor para mag-relax at huwag munang isipin ang trabaho.

“I’ll be going to the beach kasama ‘yong family ko,” chika pa ni David.

Deaerve na deserve naman ng aktor ang break ngayong Holy Week lalo na’t katatapos lang ng kanyang shooting para sa latest movie niya na “Samahan ng mga Makasalanan” na kanyang pinagbibidahan kasama sina Sanya Lopez, Joel Torre, Buboy Villar, Liezel Lopez, Jade Tecson, Jun Sabayton, Jay Ortega, Chanty Videla, at marami pang iba.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Gaganap si David bilang si Reverend Sam, isang baguhang pari na madedestino sa Sto. Cristo, bayan na puno ng mga sugarol, magnanakaw, chismosa, at iba pa.

Hiling naman niya na sana’y suportahan ang kanilang pelikula.

“Sana manood kayo ng Samahan ng mga Makasalanan, April 19 na ‘yan in cinemas nationwide. Please watch,” pag-invite ni David sa madlang pipol.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending