Jinkee mas piniling patawarin ang mga kaaway: Be free from prison of bitterness!
Jinkee Pacquiao at Manny Pacquiao
DEDMA na ang misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee Pacquiao sa mga taong patuloy na nangnenega at nang-aaway sa kanya sa social media.
Ayaw na niyang patulan at pag-aksayahan ng panahon ang mga haters na walang ginawa kundi batuhin siya pati na ang kanyang pamilya ng masasakit at malilisyosong salita.
Pagkatapos ng mga “patola” post niya sa Instagram nang malagay sa kontrobersya dahil sa kanyang sosyal na sosyal na OOTD sa laban ni Pacquiao kontra Yordenis Ugas, nagbahagi naman si Jinkee ng mensahe na may konek sa pagpapatawad.
Nag-post si Jinkee sa kanyang IG Stories ng mahabang mensahe at sinabing mas gusto raw niya ang magpatawad kesa maging “prisoner of bitterness.”
Hugot ng misis ni Pacman, “By choosing to forgive you will not become a prisoner of bitterness.
“When you choose to forgive to those who hurt you, you enslave yourself to the destructive attitudes of bitterness and resentment.
“This attitude will begin to eat at your insides, day in and day out. Be free from prison of bitterness,” diin pa ni Jinkee.
Dagdag pa niyang pahayag “Don’t allow yourself to be held captive by unforgiving heart.
“Remember, when you forgive someone, you set a prisoners free—yourself! (white heart, peace sign emojis).
“I CHOSE TO FORGIVE! (praying hands, white heart emojis),” aniya pa.
Kung matatandaan, nalagay na naman sa gitna ng intriga si Jinkee matapos maglabasan ang report na umabot umano sa mahigit P2 million ang kumpletong OOTD niya nang manood ng laban ni Pacquiao kontra Ugas sa Las Vegas, Nevada noong Aug. 21.
Dahil dito binatikos siya ng ilang netizens at sinabihang may pagka-insensitive ang pagpapakita ng karangyaan sa buong mundo habang patuloy na naghihirap ang mga Filipino dahil sa COVID-19 pandemic.
Nauna rito, nakapagsalita na rin si Jinkee laban sa kanyang mga bashers sa pamamagitan ng IG. Aniya, “Bitterness is a poison to your soul. Jealousy kills your happiness. Insecurity destroys your goodness.
“No matter how good you are to the people, there is always a person who hates you for no reasons. But still continue to do good to them with the love of the Lord. Love more! Be happy! Life is short!”
Kahapon ng madaling-araw ay nakauwi na ng Pilipinas ang mag-asawang Manny at Jinkee mula Los Angeles, California. Sasailalim sila sa 10-day quarantine pati na ang iba pa nilang kasamahan bilang pagsunod sa ipinatutupad na health and safety protocols sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.