Dionisia Pacquiao, Mike Yamson 11 years nang magdyowa, bashers umatake!

Dionisia Pacquiao at Mike Yamson
NAPA-SANA ALL na naman ang mga netizens sa makulay na lovelife ng nanay ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia Pacquiao.
Ito’y matapos bumandera ang mga litrato at video sa social media na kuha sa selebrasyon ng 11th anniversary ni Mommy Dionisia at ng kanyang partner na si Mike Yamson.
Sa kanyang Facebook account, ipinost ni Mike ang short video kung saan makikita sila ni Mommy D na magkatabi at may hawak na cake.
“Happy to be with you #11 yrs together,” ang caption ni Mike sa kanyang FB post.
Bukod dito, isa namang video ang ibinahagi ng dyowa ni Mommy D sa Facebook kung saan sweet na sweet sila habang ipinagdiriwang ang kanilang anniversary.
Baka Bet Mo: Mommy Dionisia, Mike Yamson 10 years nang magdyowa: Thank you, Lord!
“11 years na masayang pagsasama at respeto sa isa’t isa,” ang mensahe pa ni Mike.
Dito makikitang niregaluhan niya ng bouquet of flowers, stuffed toy at isang cart na pwede nilang magamit kapag naglilibot o gumagala sa loob ng kanilang village.
Sandamakmak na netizens ang napa-“sana all” at kinilig nang mapanood ang video ng selebrasyon nina Mike at Mommy D. Pero meron ding nam-bash sa kanila.
Komento ng isang hater, “11 years ka nang umaasa, magtrabaho ka.” Sinupalpal ni Mike ang netizen at ipinamukha sa kanya na meron siyang trabaho at hindi lang basta umaasa sa ibang tao.
In fairness, sa kabila ng 27 years na agwat ng kanilang edad (75 si Mommy D at 48 naman si Mike), pak na pak pa rin ang relasyon nila at mas tumitibay pa sa paglipas ng panahon.
Taong 2014 nang ibandera ni Mommy Dionisia ang relasyon nila ni Mike kasabay ng kanyang engrandeng 65th birthday celebration. Dedma lang ang nanay ni Manny Pacquiao sa mga nanghuhusga sa kanila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.