Mommy Dionisia, Mike Yamson 10 years nang magdyowa

Mommy Dionisia, Mike Yamson 10 years nang magdyowa: Thank you, Lord!

Ervin Santiago |March 28,2024
facebook
share this

Mommy Dionisia, Mike Yamson 10 years nang magdyowa: Thank you, Lord!

Ervin Santiago - March 28, 2024 - 11:33 AM

Mommy Dionisia, Mike Yamson 10 years nang magdyowa: Thank you, Lord!

SAMPUNG taon nang magkarelasyon ngayon ang nanay ni Manny Pacquiao na si Mommy Dionisia Pacquiao at ang boyfriend niyang si Mike Yamson.

Yes, yes, yes mga ka-Marites! Ten years nang magdyowa ang dalawa at in fairness, going strong pa rin ang relasyon at mas lalo pa raw nagiging solid sa paglipas ng panahon.

Twenty-seven years ang agwat ng kanilang edad — 75 si Mommy Dionisia habang 48 naman si Mike pero wala silang pakialam sa mga pagpuna mula sa ibang tao dahil tunay daw ang kanilang pagmamahalan.

Nag-celebrate ng kanilang 10th anniversary sina Mommy Dionisia at Mike nitong nagdaang February 20. Idinaan ni Mike sa social media ang pagbati niya kay Mommy Dionisia.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Mike ng short Reel kung saan binati niya si Mommy Dionisia sa kanilang anibersaryo.

Baka Bet Mo: Mommy Dionisia magiging presidential adviser kung mananalo si Pacquiao

Base sa video, maririnig si Mike na bumati sa nanay ni Pacman ng, “Happy anniversary, Honey.”

Sagot naman sa kanya ni Mommy Dionisia, “Happy anniversary din to you.”

Sey uli Mike, “Happy 10th year anniversary of being together. Maraming Salamat. Thank you, Lord.”

Maraming bumati ng “Congratulations!” sa magdyowa sa comments section ng IG post ni Mike pero may mga nangnega rin sa kanila tulad ng inaasahan.

Isang basher ang nanlait kay Mommy Dionisia, “Aw ano kaya Kung Hindi naging billionaire si Manny at hindi nakapag paretoke at di nagpaputi si Dionysia may ganitong honey kayA? Curious lng.”

Nguniy hindi siya pinatulan ni Mike na ang tanging naging sagot sa hater ay, “Godbless”

Nagpasalamat naman si Mike sa isang netizen sa nagtanggol sa kanila ni Mommy Dionisia, “Daming mga ampalaya be happy for them pedi ba?”

Matatandaang noong 2014 ay ibinandera ni Mommy Dionisia na meron na nga siyang boyfriend na naging escort niya kanyang 65th birthday noong May, ng nasabi ring taon.

Sey ni Mommy Dionisia sa isang interview noon, “Natural naman may boyfriend. Sa boyfriend mo, ingatan natin. Silipin mo kung ano siya, anong klase.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Hindi tulad ng nakaraan na maraming babae. Huwag magpadalus-dalos sa lahat ng mga nanliligaw, kasi marami ba yang magsasabi na, ‘Mahal taka,’ pero binigkas lang sa labi.

“Hindi tayo makatungkad sa puso kung totoo ba, kung tunay na tunay,” sabi ng nanay ni Pacman.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending