Manny Pacquiao sinisi sexual immorality sa teen pregnancy

Pacquiao sinisi sexual immorality sa teen pregnancy: Matakot sa Diyos

Ervin Santiago - February 24, 2025 - 12:40 AM

Pacquiao sinisi sexual immorality sa teen pregnancy: Matakot sa Diyos

Manny Pacquiao at Jinkee Pacquiao

ANG tinatawag na “sexual immorality” daw ang nagiging dahilan umano ng lumalalang teenage pregnancy sa Pilipinas, ayon sa Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.

Kaya naman nanawagan si Pacman sa lahat ng mga magulang na gabayan at turuan ang kanilang mga anak na magkaroon ng takot sa Diyos at maging responsable sa lahat ng bagay.

Sa pamamagitan daw nito, ayon sa senatorial candidate na si Pacquiao, malaki ang posibilidad na mabawasan kung hindi man tuluyang makontrol ang dumaraming kabataan na nabubuntis.

Sabi ni Pacquiao sa presscon ng kanilang partidong Alyansa para sa Bagong Pilipinas nitong nagdaang Biyernes, February 21, malaki ang ginagampanang papel ng nanay at tatay sa lumolobong bilang ng teenage pregnancy.

“Turuan sila na may Panginoon dahil labag talaga sa Panginoon ‘yang sexual immorality habang hindi pa kayo nag-aasawa,” ang pahayag ng asawa ni Jinkee Pacquiao.

Baka Bet Mo: Jinkee nagregalo ng Bible sa mga taga-Gen San: Naibigay ko sa kanila ang love letter ng Panginoon

“Kaya nagkandahirap-hirap tayo dahil ayaw ng Panginoon na mag-commit tayo ng sin against God,” dagdag pa ng boksingero at public servant.

Aniya pa, responsibilidad naman daw talaga ng mga magulang na turuan ang kanilang mga anak ng magandang asal kabilang na ang pagrespeto sa sarili.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Manny Pacquiao (@mannypacquiao)


“Para sa akin, i-encourage natin yung mga magulang na i-educate yung mga kabataan nila na ‘wag pumasok sa ganyan kasi.

“Yung sexual immorality talagang laganap sa buong mundo, and I’m sure na tayong mga magulang responsibilidad natin na turuan ang ating mga anak na huwag pumasok sa ganyan. Turuan ng magandang asal.

“Especially ma-in love naman talaga sila pagdating ng panahon, but ituro sa kanila na may Panginoon.

“Magkaroon sila ng takot sa Panginoon, ‘yan ang pinakaimportante,” ang punto pa ni Pacman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isa si Pacquiao sa mga senatorial candidate para sa 2025 midterm elections na ineendorso ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr..

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending