Jinkee nagregalo ng Bible sa mga taga-Gen San: Naibigay ko sa kanila ang love letter ng Panginoon
Jinkee Pacquiao
IBINANDERA ng misis ni Sen. Manny Pacquiao na si Jinkee sa social media ang pamimigay niya ng Bible sa mga residente ng isang barangay sa General Santos City.
Tinawag pang “love letter” ni Jinkee mula sa Panginoon ang mga Bibliya na kanyang iniregalo sa mga kababayan nila ni Pacman sa Gen San na personal nilang binisita kamakailan.
Ipinost pa ni Jinkee sa kanyang Instagram account ang mga litrato at video kung saan mapapanood nga ang pamimigay niya ng Holy Bible habang nakikipag-usap naman sa kanilang mga kababayan ang asawang niyang presidential aspirant.
Ang inilagay niya caption sa kanyang IG post ay, “Panalangin ko na sa pagbabasa nila ng Bibliya ang Panginoon ang mangusap sa bawat isa.
“‘Let the message about Christ, in all its richness, fill your lives.’ Colossians 3:16
“Isa sa pinaka-masayang araw ng buhay ko na maibigay ang love letter ng Panginoon sa kanila.
“To God be all the Glory!”
May isa pa siyang ipinost na litrato na kuha rin sa nasabing event at inilagay ang Bible verse na, “Psalm 119:105 ‘Thy Word is a lamp unto my feet and a light unto my path.’”
Kung matatandaan, nagbigay agad ng pahayag si Jinkee matapos ihayag ng asawa ang pagtakbong pangulo sa 2022. Aniya, “My husband has committed himself to enter the Ring to vie for the Presidency of the Philippines.
“As a wife, I and our children stand beside him wholeheartedly supporting him with our love prayers and confidence. It has not been an easy decision for him but his heart and love for our country calls him to.
“I admire his intense desire and determination for our people to prosper in every way as God has intended – For every Filipino Family to be happy whole and well, for children to get a good education, parents to have work, food on the table , off the streets and sleeping soundly with a roof over their heads.”
View this post on Instagram
Nauna rito, may mga naglabasang report na namimigay umano si Sen. Manny ng pera at bigas pati na raw mga lechon manok sa mga pumupunta sa mga lugar na kanyang binibisita.
Pero sa isang panayam, pinanindigan ng presidential candidate na hindi ito pagbili ng boto kundi pagtulong lamang sa mga kababayan natin na hanggang ngayon ay naghihirap dahil sa kawalan ng trabaho dulot ng pandemya.
Pahayag ni Pacquiao, “Ako’y nagpapasalamat sa ating Panginoon. Kahit paano, narito po ako ngayon para magbigay, i-share sa inyo ang blessings na binigay sa aking ng Paninoon, pagpasensiyahan niyo na po.”
Makakalaban ni Manny sa pagkapangulo sina Vice President Leni Robredo, Sen. Ping Lacson, Mayor Isko Moreno, at ang dating senador na si Bongbong Marcos.
https://bandera.inquirer.net/243/jinkee-pacquiao-pinagyayabang-ang-kayamanan
https://bandera.inquirer.net/293921/kim-sumablay-sa-bible-verse-ninega-ng-bashers-nakakabastos-naman
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.