Isko nangunguna sa Mayoral Polls laban kay Honey, Sam

Isko Moreno nangunguna sa Mayoral Polls laban kay Honey Lacuna, Sam Verzosa

Antonio Iñares - January 09, 2025 - 03:37 PM

Isko Moreno nangunguna sa Mayoral Polls laban kay Honey Lacuna, Sam Verzosa

Isko Moreno, Honey Lacuna, Sam Verzosa

HABANG papalapit ang May 2025 elections, isang malaking trend ang nakikita sa pinakahuling survey ng OCTA Research.

Ang dating Mayor ng Maynila na si Isko Moreno ay mukhang babalik ng malakas,  lala na’t nangunguna siya sa race na may solidong 74% na suporta.

Tinatangkilik siya ng higit 836,561 na botante, at kitang-kita kung bakit: naalala ng mga Manileño ang active na pamumuno ni Moreno noong unang termino niya, kung saan pinagsikapan niyang ayusin ang imprastruktura, kalinisan, at transparency sa gobyerno.

Ang businessman na si Lawrence Uy ng Maynila ang nagpa-komisyon ng survey.

Baka Bet Mo: Isko sumagot sa banat ni Mayor Honey Lacuna tungkol sa utang ng Maynila

Isko Moreno nangunguna sa Mayoral Polls laban kay Honey Lacuna, Sam Verzosa

Bakit nga ba lumaki ang suporta kay Isko? Maraming Manileño ang nakakaalala kung gaano kabilis ang pag-unlad at visible na pagbabago nung panahon ng kanyang pamumuno mula sa pagpapabuti ng mga serbisyo sa kalusugan, hanggang sa pagpapaganda ng transportasyon, hindi matatawaran ang mga nabago sa Manila.

Ang matinding suporta kay Isko sa survey, lalo na kung ikukumpara sa mga kalaban niya ay patunay na malaki ang impact ng mga nagawa niya sa siyudad.

Sa kabilang banda, si Mayor Honey Lacuna ay may 9% lang na sumusuporta sa kanya, base sa survey.

Marami ang nagsasabing hindi niya napangasiwaan ng maayos ang mga problema ng Maynila, kaya’t parang walang progreso.

Marami ang nagrereklamo tungkol sa pagkaantala sa serbisyo, partikular sa basura at kalinisan.

“Nakakalungkot na ganito na lang ang Manila, kung saan masama na ang sitwasyon, tapos may bagong kontraktor daw na hindi pala nagbayad ng walong buwan kaya hindi nila natuloy ang bidding,” sey ng netizen na si Yuki Kawaii.

Samantala, si Sam Verzosa, na kamakailan lang pumasok sa politika ay mabilis na nakakuha ng pansin, at ngayon ay may 15% na sumusuporta sa kanya.

Ito ay isang indikasyon na marami sa mga botante ay naghahanap ng pagbabago.

Marami na ang nais ng pamunuan na magdadala ng bagong momentum, katulad ng nangyari noong panahon ni Isko.

Makikita sa malaking agwat ng suporta ni Isko Moreno na malakas pa rin ang tiwala ng mga tao sa kanya.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa gitna ng mga pagkatalo at kabiguan ng kasalukuyang administrasyon, ang mga naipakitang leadership at mga plano ni Isko ay nagbibigay pag-asa sa mga Manileño para sa mas maginhawang siyudad.

Kung magpapatuloy ang trend, malaki ang posibilidad na muling magbalik sa pwesto si Isko na magdadala ng pagbabago at pagsulong sa Maynila.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending