Ian Sia matapos ang biro sa single moms: Huwag ilihis ang isyu

Ian Sia matapos batikusin ang biro sa single moms: Huwag ilihis ang isyu ng eleksyon

Pauline del Rosario - April 04, 2025 - 10:55 AM

Ian Sia matapos batikusin ang biro sa single moms: Huwag ilihis ang isyu ng eleksyon

Atty. Ian Sia

MATAPOS umani ng matinding batikos sa social media dahil sa kanyang biro tungkol sa mga babaeng solo parent, nagsalita na si Atty. Christian “Ian” Sia, tumatakbong kongresista sa Pasig.

Sa gitna ng campaign rally, diretsong humarap si Sia sa kanyang mga taga-suporta at tinanong, “Labinlimang taon na po tayong magkakasama sa pulitika. Ako ho ba ay naging bastos sa inyo?” 

Sumagot naman ang audience ng, “Hindi.”

Sey pa niya, “Pero sa social media, ako na ho ang pinakabastos sa lahat ng bastos. Kung may ranggo ang mga bastos, five-star general po ako.”

Baka Bet Mo: Nadine Lustre sinupalpal bastos na netizen; basher natakot mademanda

Giit ni Sia, ang kanyang pahayag ay isa lamang biro at hindi dapat gawing isyu. 

“Sana po sa mga kapwa ko Pasigueño, ang biro ay manatili hong biro. At ang seryosong bagay, huwag mong haluan ng biro,” lahad niya.

Dagdag pa niya, “Pagdating po sa babae, ang babae ay nirerespeto at minamahal.”

Hindi rin niya pinalampas ang mga puna sa kanyang hitsura at kilos. 

“Pansinin niyo, lahat na lang po pinuna sa akin—pati ‘yung pantalon kong masikip, pati ‘yung paraan ko ng pag-upo. Pero ‘yung mensahe ko po na sa nagdaang anim na taon, wala pong accomplishment ang atin pong mayor [Vico Sotto], hindi po nila masalungat.”

Pakiusap niya, huwag ilihis ang isyu ng halalan: “Ang eleksyon ho ay hindi tungkol sa akin, kundi tungkol po ito sa kinabukasan ng mga Pasigueño.”

Kumalat sa social media ang hindi magandang biro ni Sia tungkol sa single moms na kanyang inihayag sa isang campaign sortie noong April 2.

Maririnig na sinabi ng kandidato habang pabirong nagsasalita sa entablado: “Ito ho ang ambag ko para sa mga solo parent ng Pasig. Minsan, sa isang taon, ang mga solo parent na babae na nireregla pa at nalulungkot, pwedeng sumiping sa akin.”

“‘Yung mga interesado, magpalista na sa lamesa sa gilid. Biro lang ho, may asawa na ako,” wika pa niya.

Dahil dito, agad na umani ng batikos si Sia  mula sa netizens at ilang opisyal ng lungsod, kabilang na si Pasig City Councilor Angelu De Leon – Rivera, ang Chairperson ng Committee on Social Services and Solo Parent Affairs. 

Hindi niya pinangalanan si Sia, pero malinaw ang kanyang mensahe: “Ang ganitong uri ng mga salita ay hindi lamang nakakainsulto sa mga kababaihan, kundi pati na rin sa ating lipunan.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Ang giit pa ng aktres-politician, “Bawal ang bastos sa Pasig!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending