Single mom hinoldap na ginahasa pa ng lalaking naka-motor

Single mom hinoldap na ginahasa pa sa gubat ng lalaking naka-motor

Ervin Santiago - March 07, 2025 - 03:00 PM

Single mom hinoldap na ginahasa pa sa gubat ng lalaking naka-motor

Trigger warning: Mention of rape

GINAHASA ng 41-anyos na lalaki ang isang single mom matapos niya itong holdapin sa Barangay Sira Lupa, Calamba City, Laguna.

Base sa report ng pulisya papasok na ang 21-anyos na biktima sa trabaho nang harangin siya ng suspek na nakasakay ng motorsiklo.

Hinoldap ng lalaki ang biktima at kinuha ang kanyang cellphone, wallet at ATM card. Kasunod nito, tinutukan na siya ng baril ng suspek at pilit isinakay sa motorsiklo.

“Sinakay po n’ya ako ng motor, tapos binalik n’ya papunta sa may gubat. Kinaladkad po n’ya ako papuntang gubat. Huwag daw po ako magpapasaway sa kanya hindi raw n’ya po ako papatayin. Nagmamakaawa na po ako,” pahayag ng biktima sa ulat ng ABS-CBN.

Humingi ng tulong ang biktima matapos siyang iwan ng suspek sa naturang lugar hanggang sa makauwi sa kanilang bahay.

Baka Bet Mo: 60-anyos na lola natagpuang patay, hubo’t hubad sa loob ng sementeryo

Salaysay pa ng single mom, pagkalipas lamang lang ng ilang oras ay nag-chat daw ang suspek sa kanya at gusto raw makipagkita sa isang motel.

“Sabi n’ya makikipag-meet up daw po siya sa akin, magmo-motel daw po kami dahil hindi raw po siya satisfied sa ginawa n’ya. Kapag hindi daw ako pumunta papatayin daw po n’ya anak ko,” ang pagbabahagi pa ng biktima.

Wala nang sinayang na oras ang nanay at agad nang nagsumbong sa Calamba City Police. Dito na niya nabatid na may  apat na babae na raw ang pormal na nagreklamo laban sa suspek na laging nakamotorsiklo at nanghihipo.

“Based po sa barangay mayroon na po mga report na ‘di umano ay may lalaking nanghihipo na nakasakay sa motor. Well, base po sa description ng ating mga naunang biktima, iisa lang din po nitong suspek na naaresto,” ang pahayag ni PSMS Jeynita Ferrer.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa isinagawang operasyon ng pulisya ay agad na naaresto ang suspek. Narekober sa kanya ang iba’t ibang ID at ATM cards ng mga babaeng nabiktima nito.

Kasalukuyang nakakulong ang natimbog na suspek sa Calamba City Police Station at nahaharap sa kasong robbery with rape.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending