Customer patay matapos barilin dahil sa pag-cancel ng kanta sa videoke bar
NANG dahil sa pag-cancel sa kani-kanilang mga kanta sa isang videoke bar, nagkainitan ang dalawang lalaking customer na nauwi sa pamamaril.
Ayon sa report, patay ang isang biktima sa naganap na insidente matapos magtamo ng ilang tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng kanyang katawan.
Sa inisyal na pagsisisyasat, nangyari ang pamamaril sa isang videoke bar sa Santa Barbara, Iloilo matapos ma-bad trip ang magkaasaran ang biktima at suspek sa pag-cancel sa kani-kanilang mga inilagay na kanta sa videoke machine.
Baka Bet Mo: 2 Grade 8 student patay sa pananaksak ng 3 teenager nang dahil sa ilaw ng CR
View this post on Instagram
Base sa ulat, nagsimula ang away nang biglang patayin at ikansela ng suspek ang kinakanta ng biktima. Kasunod nito, gumanti ang biktima at kinansela rin ang kinakanta ng suspek.
Dito na nagalit ang suspek at bumunot ng baril saka pinaulanan ng bala ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.
Sabi ng mga imbestigator, wala na silang makitang ibang motibo sa naganap na pamamaril. Hinahanting na ngayon ng mga otoridad ang tumakas na suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.