Nanay na, tatay pa: 6 single mom na patuloy na lumalaban para sa mga anak
NANAY na tatay pa! Yan ang role na ginagampanan sa tunay na buhay ng mga single mom na mag-isang itinataguyod ang kanilang mga anak.
Halos lahat ng mga nakakausap naming single mother ay nagsasabing napakahirap talagang pagsabayin ang pagtatrabaho at ang pagiging ina, lalo na sa mga panahon ngayon.
Kaya naman ngayong Mother’s Day, isang pagsaludo ang nais ibigay ng BANDERA sa lahat ng mga nanay na patuloy na kumakayod, nagsasakripisyo at halos magpakamatay na sa pagtatrabaho para lamang mabigyan ng magandang buhay ang mga anak.
Naglista kami ng ilang kilalang celebrities na mga proud single mom na maaari n’yong pagkunan ng inspirasyon upang mas magsikap pa para sa ikabubuti ng buong pamilya.
POKWANG
Pinatunayan ni Pokwang sa buong universe na hindi talaga madali ang maging single mom pero patuloy siyang lumalaban sa buhay dahil naniniwala siyang blessing din ang pagkakaroon ng mga anak.
Sa isang video, ipinakita ni Pokey ang isang eksena kung saan papasok na ng school si Malia. Aniya sa caption, “Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! Gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat!”
“Tapos nag failed ang relasyon ako pa rin ang nasisisi? ‘Bitter ka! Move on ka na!’ (sinasabi ng bashers).
“Maging nanay ka muna bago mo i-invalidate ang nararamdaman ng isang kagaya ko ‘wag kang makasawsaw lang! [H]indi mo alam ang iyak ko sa gabi kapag nag-iisa nalang ako, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Diyos,” depensa ni Pokwang na malaya na ngayon mula sa ex-partner niyang si Lee O’Brian na napa-deport na ng Bureau of Immigration.
JANELLA SALVADOR
Aminado rin si Janella na ang pagiging single mother ang pinakamahirap at pinaka-challenging na role na ginampanan niya in real life. But at the same time, happy and fulfilling din lalo na kapag kasama at ka-bonding ang anak na si Jude.
Sa isang interview, natanong ang aktres kung ano ang pinaka-difficult na aspeto ng kanyang buhay ngayon, “Being a single mom, talagang nilalaban ko ‘yon.
“At the end of the day, alam kong kaya ko naman siya. As much as I love the people around me who are always there to help me, I always want to know na kaya kong gawin. I can rely on myself na hindi ko kailangang humingi ng tulong sa iba,” aniya pa.
Nagpasalamat din siya sa inang singer-actress na si Jenine Desiderio na naging inspiration niya sa pagiging independent, “Siguro kasi I saw my mom growing up, kung paano siya — she was able to raise us on her own. So siguro na-embody ko rin kung paano siya — I wanted to be independent as well.
SUNSHINE CRUZ
Tatlong anak na babae (Angelina, Sam at Chesca) ang inalagaan at pinalaki ni Sunshine at mukhang nagtagumpay naman siya bilang single mother dahil mababait at marerespeto ang mga ito.
“I was jobless for 13 years, I needed to rediscover myself again. If I could give myself advice back then, it would be, know your self-worth,” ang sabi ni Sunshine tungkol sa kanyang personal na buhay.
Aniya pa, “Sobra-sobra ang pasasalamat ko sa Panginoon dahil ang layo na pala talaga ng narating namin ng mga anak ko. Nabigyan ako ng pangalawang pagkakataon na mabuhay ng mas maayos, mas masaya at naging mas matatag ako.
“Even my children became more confident and I can say they are also tough girls. They are just like their mom, marunong lumaban kung kinakailangan at marunong magpasalamat sa biyaya, maliit man o malaki,” ang pahayag pa ni Sunshine.
JODI STA. MARIA
Ilang taon na ring nasa “fighting mode” si Jodi bilang nanay at mas nagiging protective pa ngayong binata na ang nag-iisang anak na si Thirdy Lacson.
Ang biggest challenge daw para sa kanya bilang single mom ay, “I think siguro ‘yung first part of me being a single mom, that part of transition from having a family to doing things differently.
“Hindi ko rin kasi pwede sabihing solo mom ako na ako lang talaga kasi I would be unfair kay Pampi kasi he’s very much involved in the life of his son,” sey pa niya na ipinagdiinang “good provider” naman talaga si Pampi, “Wala naman akong masasabi doon. I thank the Lord na we are in good terms talaga. We are friends.”
“I think that no matter what happens, ipaglalaban mo na maitaguyod pa rin siya ng matino, ng maayos. Kahit na parang hindi ko man siya nabigyan ng isang buong pamilya, I made sure na I will always be here sa abot ng makakaya ko to provide him with a good life,” sey pa ng proud single mama.
JENNICA GARCIA
Mas matapang, mas palaban at mas madiskarteng nanay na ngayon si Jennica matapos nga silang maghiwalay ng asawang si Alwyn Uytingco.
At kahit na nga working mom, sinisiguro pa rin niya ang pagiging hands-on na ina sa kanyang mga anak.
“Kung papipiliin ako sa noon at ngayon, dito na po ako sa ngayon. Kasi po dati, sobrang duwag ko. Submissive po kasi tayo. When it comes to decision-making, if my husband would make a decision, even if I don’t agree with him, I would always go with what he wanted.
“Not naman na hindi ako magsasalita. Pero ayoko kasi siyang sundin wholeheartedly, eh. Pero nagkaroon na ako ng lakas ng loob. May boses na rin ako,” sey ng aktres.
Masaya niya ring ibinalita sa isang interview na, “Malapit ko na mabayaran yung condo ko. Rent-to-own lang po yun at naglakas loob lang talaga ako nun. Sabi ko dapat yata magkaroon kami ng bahay ng mga anak ko.
“I just want to secure my children’s future and ang sikreto kung meron man, lalo na yung mga momshies, at single moms, always tell the Lord that Lord you are my husband, you’re not just my father, and the father of my children.
“Magugulat ka na lang basta kailangan lang sipagan mo kasi hindi naman puwedeng hingi ka ng hingi sa Panginoon tapos tatamad-tamad ka. Laban lang talaga sa buhay,” lahad pa ni Jennica.
CLAUDINE BARRETTO
KUNG may isang nanay sa mundo ng showbiz na talaga namang matatawag na fighter at survivor, yan ay walang iba kundi si Claudine Barretto.
“Gusto kong sabihin sa buong mundo na maraming sinasabi tungkol sa akin na hindi maganda. Yung iba totoo at yung iba hindi. Pero isa lang ang masasabi ko at alam ng Diyos yun na mabuti akong ina.
Hindi ko sinasabing sobra akong mabuting ina pero sinasabi ko lagi sa mga anak ko to help me,” sey ni Claudine na may apat na anak, si Santino ang anak nila ni Raymart Santiago at ang tatlo niyang adopted children na sina Sabina, Quiah at Noah.
“Ang bilis nilang lumaki at ang bilis pala talaga ng oras na may college na ako, may 16-year-old na rin ako tapos may seven (year-old) ako, at five (year-old) din ako na mga anak. Kung meron man akong pinakamalaking award ngayon, ito ay yung mga anak ko,” aniya pa.
Sey ni Clau about her adopted kids, “Lagi kong sinasabi, blood is not thicker than water. Kung ang asawa mo o boyfriend mo ay kaya mong mahalin unconditionally, bakit hindi mo kayang magmahal ng mga bata, ng mga anghel? So yun ang lagi kong sinasabi sa mga anak ko.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.