Pokwang aminadong hirap maging ‘single mom’

Pokwang aminadong hirap maging ‘single mom’, planong ipa-Tulfo si Lee O’Brian

Pauline del Rosario - September 14, 2023 - 04:00 PM

Pokwang aminadong hirap maging ‘single mom’, planong ipa-Tulfo si Lee O’Brian

PHOTO: Instagram/@itspokwang27

NAGLABAS ulit ng sama ng loob ang comedienne-actress na si Pokwang sa kanyang latest social media post.

Sa Instagram, nag-open up si Pokwang sa nararanasan niyang hirap bilang isang single mom.

Ayon sa kanya, bukod na siya ang nag-aasikaso at gumagastos ay dagdag stress pa ‘yung mga mahilig pumuna sa nabigo niyang relasyon sa estranged partner na si Lee O’Brian.

“Ang hirap maging single mom lalo na sa panahon ngayon, ako lahat! gastusin, oras sa bata, emosyon, ako lahat!” wika niya sa IG.

Ani pa niya, “Tapos nag-failed ang relasyon ako pa rin ang nasisisi?? bitter ka! move on kana!”

“Maging nanay ka muna bago mo i-invalidate ang nararamdaman ng isang kagaya ko,” mensahe pa niya sa bashers at haters.

Dagdag pa niya, “‘Wag kang makisawsaw lang! hindi mo alam ang iyak ko sa gabi kapag nag-iisa nalang ako, hindi mo naririnig mga dasal ko dahil hindi ka Diyos.”

Baka Bet Mo: Pokwang nilayasan si Luis Manzano matapos ipakita ang larawan ni ‘Lee’: Wala sa usapan natin ‘yan

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Maraming netizens naman ang naka-relate sa post ni Pokwang at isa na riyan ang may IG account na @iamadethalim.

Komento ng IG user, “Ang kakapal ng mukha ng mga tatay na ‘di marunong sumuporta sa kanilang mga anak..I feel you kasi single mom din ako.”

Nag-reply naman sa kanya ang komedyana at ibinunyag na plano na nga niyang ipa-Tulfo ang dating partner.

@iamdethalim gusto ko na nga ilapit minsa kay @raffytulfoinaction [nang] matapos na ‘yang mayabang na kano na ‘yan!”

Agree din ang IG user na si @tine.paulo na sinabing, “True mamang! Pabalikin na dito yan! Stay strong!”

Tugon sa kanya ni Pokwang, “@tine.paulo lumalaban e hindi nya maiwan buhay hari nya dito kasi may mga sumasamba na mga primitives hahahahahaha.”

May nagpayo rin sa aktres na mag-move on at ipagpasa-Diyos na lang ang nangyari sa kanila ni Lee.

“Naku momshie ganun talaga pag single mom, move on na momshie buti ka nga my source of income. Maraming single mom diyan walang wala pero fight lang ganurn… pasa-Diyos mo na te,” sey niya kay Pokwang.

Menashe pa niya, “Move on and accept everything tanggalin mo na ‘yang hate sa puso mo, be matured enough lesson learned ulit sayo ‘yan then stand up again.”

Ang sagot naman sa kanya ni Pokwang, hindi siya makakapag-move on hangga’t nandito sa Pilipinas si Lee.

“@angieuaje palayasin ko muna bago ako mag move on para wala nang tinik sa daraanan ko,” saad ng komedyana.

Kung matatandaan, kinumpirma ni Pokwang na inaayos na niya ang mga legal na dokumento para mapa-deport sa ating bansa ang estranged partner, at para na rin matanggal ang apelyido ni Malia na “O’Brian” at gawin nang “Subong.”

Magugunitang isa sa mga rason kaya hiniwalayan at pinalayas ng aktres ang dating partner ay dahil anim na taon na itong naging palamunin at walang ibinibigay na child support para sa anak nila.

Related Chika:

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Kylie Padilla bilang single working mom: Nu’ng una feeling ko hindi ko kaya, feeling ko nagi-guilty ako

Lolit Solis kay Pokwang: Ang cheap ng dating ng sinasabi niya sa ex-partner…para bang hinahabol pa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending