Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O'Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami | Bandera

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Therese Arceo |February 03,2023
facebook
share this

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O’Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami

Therese Arceo - February 03, 2023 - 07:34 PM

Pokwang inaming pinagtakpan noon si Lee O'Brian: Umaasa pa akong maaayos pa kami
BINIGYANG linaw ng Kapuso actress at komedyanang si Pokwang ang kanyang mga naunang pahayag patungkol sa hiwalayan nila ng dating partner na si Lee O’ Brian.

Sa kanyang panayam sa “Fast Talk with Boy Abunda” ay tinanong siya kung bakit siya nagsinungaling na walang third party at walang perang involved sa kanilang hiwalayan.

Ikinuwento ni Pokwang na may kinalaman ang kanilang negosyo sa hindi nila pagkakaunawaan bukod pa sa iba niyang mga kinimkim na bagay sa kanilang pagsasama.

“Dumating ‘yung panahon na may mga questions na ako. I’m not saying na hindi siya mapagkakatiwalaan dyan. Karapatan ko kasi bilang partner mo sa negosyo kung ano na tayo, nasaan na tayo, anong mangyari.

“Nagpapa-update ako sa kanya which is feeling ko karapatan ko ‘yun… parang ang dating sa kanya agad, hindi niya nagustuhan… Parang ang dating sa kanya, hinuhusgahan ko na siya agad. Parang tinanggalan niya ako ng karapatan na malaman,” saad ni Pokwang.

Aniya, masaya siya na nagkaroon sila ng negosyo dahil bilang artista ay hindi naman sila palaging sikat o may trabaho ngunit mukha ngang hindi nagustuhan ni Lee ang pagtatanong ng aktres ukol sa negosyong siya rin ang naglabas ng pera para makapagsimula.

Lahad pa ni Pokwang, “Tito Boy, bilang isang ina, umaasa ako na maaayos pa kami. Kahit ang sakit-sakit na sa akin, kailangan kong magsinungaling kasi umaasa ako aayusin pa niya, magkakaayos pa kami.”

Kuwento pa niya, marami siyang binigay na tsansa kay Lee upang ayusin ang kanilang samahan para sa kanilang anak na si Malia at umabot pa sa puntong nagawa niyang magsinungaling sa publiko.

“Mahal ko [pa siya]. Sa totoo lang mahal ko siya kaya ko nga nagawang magsinungaling e, pagtakpan ko siya dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami,” pag-amin ni Pokwang.

Sa tuwing nagtatanong daw si Malia sa kanya ay mas nagbibigay siya ng sign kay Lee na magkabalikan at manatiling buo ang kanilang pamilya.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Diretsahan na ring inamin ng actress-comedienne kung ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay.

Sey ni Pokwang, “Para kasing naramdaman ko na ano na, parang nawala na ‘yung respeto. Bago pa mangyari ‘yung confrontation namin sa negosyo, hindi na kami nag-uusap. We don’t exist in each [other’s lives].

“Parang nabalewala lahat ng mga sinakripisyo ko… ‘yung pagtatanggol ko sa kanya sa pamilya ko. Marami akong mga kaibigan na ayaw sa kanya. Marami akong supporters na sinasabing ‘wag yan. Hindi siya tama’ pero pinaglaban ko siya, Tito Boy. Kaya ako ganito, kaya ako nasasaktan.”

Ang tanging hiling lang noon ni Pokwang sa kabila ng kanyang mga sakripisyo ay sana lunukin ni Lee ang kanyang pride upang mabuo sila.

Ngunit napagod na rin siyang umasa at lumaban kaya naman itinigil na rin niya ang paghiling na maging okay sila.

Sinabi rin ni Pokwang na siya na rin mismo ang nagpaalis kay Lee sa kanilang pamamahay dahil sa tingin niya ay mas mabuti na ito kaysa makita sila ni Malia na nag-aaway at nagsisigawan.

Related Chika:
Pokwang never daw minahal ni Lee O’ Brian, ‘new girl’ mismong si Malia raw ang nakakita

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending