Pokwang nag-'delete' ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas 'chaka'? Bandera

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Reggee Bonoan |January 20,2023
share this

Pokwang nag-‘delete’ ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas ‘chaka’?

Reggee Bonoan - January 20, 2023 - 05:40 PM

Pokwang nag-'delete' ng tao sa buhay nila, ipinagpalit nga ba sa mas'chaka'?

MATAGAL nang hindi nagsalita ang komedyanang si Pokwang kung bakit sila naghiwalay ni Lee O’brian na tatay ng anak niyang si Malia na nagdiwang ng ika-limang kaarawan nu’ng isang araw.

Matagal na ring may mga alingasngas na may ibang babae si Lee lalo’t umalis na siya sa bahay ni Pokwang at maganda naman ang usapan nila na co-parenting sila sa anak nilang si Malia.

Pero marami ang nagulat sa post ni Mamang Pokie sa kanyang Instagram stories nitong Huwebes ng larawan niya.

Ang caption, “Nang makita mo pinalit sa’yo ng ex mo. Huh? Akala ko ba ako na ang chaka? Bwahahahahaha, ang cheap!!!”

Sinundan ng post ng larawan ng isang Goddess, “VIRGO SINGLE MOM, Territorial ako! ikaw din ba? Disconnect ka sa buhay namin then start your own! Ganyan mga single virgo mom ERASE, DELETE, START AGAIN THEN FIGHT!!!!”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Pinost din nito ang larawan ng anak na yakap-yakap ang natanggap na puppy bilang gift sa kanyang kaarawan.

Ang caption ng aktres, “deleted some people from my life and we welcome this cutie na mas tao pa ang puso thank you @jcdogrepublic.petsalon @jcdogrepublic love you.”

Kaya pala sa selebrasyon ng kaarawan ni Malia ay hindi nahagip si Lee sa video na post ni Pokwang dahil sabi nga niya, ‘deleted’ na ang ibang tao sa buhay niya.

Muling pinaalala ng komedyana sa mga mamimili by posting the FB page na PokLee Food Products na wala na ito.

“PAALALA, One year na wala ang Poklee Food products sarado na po ito at ‘wag na po kayo mag message or umorder ng aming produkto sa messenger, sa Shopee at Lazada dahil ibang brand po ide-deliver sa inyo PLEASE! Magbasa kayo tapos magagalit kayo kapag na scam kayo! matagal na wala yan po. @mamangpokwangs_gourmet na ang aming produkto yan po ang legit now sa FB at IG po maraming salamat po.”

Bukas naman ang BANDERA sa panig ni Lee O’Brian.

 

Related Chika:
Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Pokwang naloka nang iyakan ng anak ang pagkamatay ng kaibigang langaw

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending