Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O'Brian: Basta OK na OK na ako, bye! Bandera

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Ervin Santiago |July 18,2022
share this

Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Ervin Santiago - July 18, 2022 - 07:10 AM

Pokwang at Lee O’Brian

WALA nang “second chance” o part 2 ang love story ng Kapuso comedienne na si Pokwang at American actor Lee O’Brian.

Ito ang paniniguro ng komedyana nang tanungin kung posible pa kayang magkabalikan sila ng dating partner at tatay ng kanyang anak na si Malia.

Sa podcast na “Updated with Nelson Canlas”, natanong si Pokey kung may chance pa ba na magkaroon sila ng reconciliation at balikan ni Lee.

“Hindi, wala eh, walang ganu’n. Basta okay na, okay, okay, bye,” pahayag ni Pokwang.

Inamin ng Kapuso actress at TV host na sinubukan din nilang ayusin ng ex-partner ang kanilang mga problema pero hindi na raw talaga pwede.

Nag-usap din sila nang masinsinan para sa co-parenting agreement nila sa anak nilang si Malia. Nagkasundo sila na magkita tuwing weekend para sa nag-iisang anak.

“Parang mas ano, ‘oh darating ang Dada m …’ tapos mag-uusap kami, saan kakain, ganoon. Unlike noong nandito, konting ano, init ng ulo. Ganoon talaga,” sabi ni Pokey.

Umaasa ang komedyana na magiging maayos ang lahat sa pagitan nila ni Lee para na rin sa kapakanan ni Malia dahil ito naman talaga ang nais nilang mangyari.

“Ang pinakamabuti doon talaga… hindi masakit, wala kaming pait-paitan sa isa’t isa,” sabi pa niya.

Payag din daw siya na isama ni Lee ang kanilang anak sa Amerika para makita at makasama ng bata ang lolo’t lola nito roon.

Samantala, todo naman ang pasalamat ni Pokwang sa GMA 7 dahil muli siyang binigyan ng bonggang project kung saan maipakikita naman niya ang kanyang talento sa pagho-host.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Kung meron kang negative side sa buhay mo, ito iyong positive side sa buhay ko now.

“Very thankful ako sa dami ng dapat kong i-focus na magaganda, like sa trabaho, sobrang thankful, grateful GMA, sobra thank you,” pahayag ni Pokey.

Ang tinutukoy niya ay ang upcoming variety at game show ng GMA 7 na “TiktoClock” kasama sina Kim Atienza at Rabiya Mateo bilang co-hosts.

Mapapanood na ito simula sa July 25, 11:15 a.m. mula Lunes hanggang Biyernes.

Pokwang naloka nang iyakan ng anak ang pagkamatay ng kaibigang langaw

Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending