Pokwang present sa birthday ni Lee O'Brian, may bwelta sa 'sayang luha' comment ng netizen Bandera

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Therese Arceo |September 30,2022
share this

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Therese Arceo - September 30, 2022 - 12:38 PM

Pokwang present sa birthday ni Lee O' Brian, may bwelta sa 'sayang luha' comment ng netizen

IPINAGDIWANG ni Lee O’ Brian ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang dating karelasyon na si Pokwang at kanilang anak na si Malia.

Nitong Huwebes, September 29, ibinahagi ng actress-comedienne ang isang video ng masayang birthday celebration ng dating partner sa kanyang tahanan.

Present rin sa video ang panganay ni Pokwang na si Mae Sabong.

Makikita sa video na bagama’t si Lee ang may birthday ay parang si Malia ang star ng kanilang celebration at ito pa nga ang naunang lumapit sa cake para hipan ang nakasinding kandila.

“Happy birthday Dada @leeobrian. Pero ikaw @maila_obrian ang bida hahahahahaha ayan na naman sya,” caption ni Pokwang sa kanyang video post.

Marami naman sa mga netizens ang natuwa dahil nanatiling maayos ang samahan ng dalawa sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

“Such a good example. Kahit magkahiwalay pwede nman maging magkaibigan para sa anak. No hate just love. Para healhty ang puso at isip. Walang stress,” saad ng isang netizen.

Sey naman ng isa, “so happy for you. Your children will appreciate the fact that you went the extra mile to forgive and live life to the fullest. Happiest birthday to Mr. O’Brian! P.S. To all the chismosas, don’t read too much into this. Let them live their life!”

Pero sa kabila nito ay may mga negatibong comments pa rin mula sa ibang netizens at sinabing bakit pa raw naghiwalay sina Pokwang at Lee kung OK naman pala sila.

“Bakit naghiwalay pa. Tapos ok rin pala cla.. Sayang luha,” eksaktong komento ng isanf netizen.

Agad naman itong sinagot ni Pokwang.

“Dahil pwede naman matapos ang isang bagay sa buhay mo ng masaya ka ulit at wag mabuhay sa dilim yun yon!

“So ano pla gusto mo iyak ako buong buhay ko? Hahahahhahahhaha shunga???” saad ni Pokwang.

Matatandaang nitong Hulyo 2022 nang kumpirmahin ng actress-comedienne ang kanilang paghihiwalay ni Lee O’ Brian.

Pag-amin niya, noong November 2021 pa sila naghiwalay ngunit nananatiling maayos ang kanilang ugnayan para sa kanilang anak na si Malia.

Related Chika:
Pokwang sinigurong wala nang second chance sa relasyon nila ni Lee O’Brian: Basta OK na OK na ako, bye!

Pokwang naloka nang iyakan ng anak ang pagkamatay ng kaibigang langaw

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to the hottest celebrity news

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending