Pokwang naloka nang iyakan ng anak ang pagkamatay ng kaibigang langaw
MARAMI ang naaliw at natuwa sa anak ni actress-comedienne Pokwang na si Malia dahil sa naging reaksyon nito matapos malamang namatay ang kanyang “kaibigan”.
Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi niya ang video ng kanyang anak na labis na naghihinagpis matapos niyang malaman na wala na ang kanyang kaibigan.
Kung titignan mo ay normal lang naman ang maiyak kapag nawalan ka ng malapit sa iyo pero ang nakakaloka sa anak ni Pokwang ay isang langaw ang iniiyakan ng anak.
Sa video ay makikita ang pag-iyak ni Maila habang ipinapakita ni Pokwang ang napatay niyang langaw.
“Here’s your friend. She’s dead. I’m sorry,” sey niya sa anak.
Nag-walkout naman ang anak na si Malia habang umiiyak sabay sabing, “I want my friend back.”
“Don’t cry. There’s so many flies outside,” pagpapatahan naman ni Pokwang sa anak.
“But I want my friend back,” umiiyak pa ring sagot ni Malia.
Tinanong pa nga ni Pokwang kung ano ang pangalan ng kanyang sumakabilang buhay na kaibigan ngunit hindi daw alam ng bata.
View this post on Instagram
Marami naman ang naaliw sa video ni Malia gaya na lang nina Jolina Magdangal at Almira Muhlach.
“Sooo cute!!! Haha,” saad ni Almira.
Napa-“Awwww” naman si Jolens sa post.
Wala namang ibang salarin sa naging reaksyon ng anak ni Pokwang kundi ang COVID-19 pandemic kaya lahat na lang ng bagay maging ang langaw ay kinaibigan ni Malia.
“Iniyakan niya friend daw niya si fly. Wawa naman tisay. Sa sobrang buryong na sa bahay pati langaw kinaibigan na rin,” saad ng actress-comedienne sa kanyang caption.
Related Chika:
Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN
Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!
Pokwang itutuloy ang Pantry Sisters: Nakakaluwag naman kami, so tulungan lang lahat tayo
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.