Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN | Bandera

Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN

Ervin Santiago |August 25,2021
facebook
share this

Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN

Ervin Santiago - August 25, 2021 - 09:13 AM

Pokwang at Kris Aquino

TUWANG-TUWA at super touched ang Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang sa natanggap na birthday gift mula kay Kris Aquino.

Isa raw ang Queen of All Media sa mga malalapit niyang kaibigan sa entertainment industry na hindi nakakalimot sa kanyang very special day every year.

At ngayong taon, maaga niyang natanggap ang regalo ng award-winning TV host para sa kanyang 51st birthday sa Biyernes, Aug. 27.

Sa kanyang Instagram page, ipinost ng komedyana ang ipinadala sa kanya ni Kris na white and yellow roses. 

Aniya, mas naging espesyal pa ang mga birthday gift ni Kris dahil tuwang-tuwa raw ng anak niyang si Malia O’ Brian sa mga ilaw na nakalagay rito.

“Thank you ganda Kris Aquino sa flowers nakakamayaman hahahaha sa 27 pa birthday ko pero lagi ka naman ganyan advance magmahal. 

“Salamat at aliw si tisay Malia O’ Brian sa pa ilaw, higit sa lahat bagay s’ya sa prayer room ko,” ang caption na inilagay ni Pokey sa kanyang IG post.

Sabi pa ni Pokwang, itinuturing niyang tunay na kaibigan ang Queen of All Media dahil hindi lamang ito sobrang generous na tao, talaga raw napakabait at napakamatulungin pa nito. 

Pag-amin ni Pokey, isa ang aktres sa mga tumulong sa kanya noong ipasara ng kongreso ang ABS-CBN na naging dahilan kung bakit siya nawalan ng regular na trabaho.

“Sa panahon na nawalan ako ng work dahil pinasara ang ABS-CBN si Kris Aquino at si @jgl71 at @aptentertainment ang umalalay sa ‘kin,” ang reply ng Kapuso comedienne sa isa niyang follower na nagtanong kung bakit mahal na mahal niya si Kris.

In fairness naman kay Pokwang, isa rin siya sa mga unang nagtatanggol kay Kris kapag napapasabak ito sa kontrobersya lalo na kapag idinamay na sina Joshua at Bimby.

Noong kasagsagan ng isyu tungkol sa pagkuwestiyon ng mga haters sa gender ni Bimby ay hindi nagpatalo si Pokey sa mga trolls, patol kung patok talaga ang drama niya.

“Bastos! Mas gugustuhin ko maging bakla anak ko kesa katulad mo bastos!” banat ni Pokwang sa basher.

Reply naman sa kanya ni Kris, “I love you. Alam mo naman for us moms—’wag lang mga anak natin or else.”

Hirit uli ni Pokwang, “Laban mga taong ganyan yan yung mga isinumpa sa ibaba! @krisaquino love you.” 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Isang netizen naman ang tila nang-asar sa komedyana at sinabihan siya ng, “Really… you?” Bwelta ni Pokey sa kanya, “Wag mo nga akong ma-really… you diyan baka tampalin kita diyan eh!” 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending