Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown! | Bandera

Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!

Ervin Santiago |August 18,2021
facebook
share this

Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!

Ervin Santiago - August 18, 2021 - 12:09 PM

Madam Inutz at Pokwang

BENTANG-BENTA sa mga netizens ang panggagaya ni Pokwang sa social media sensation at sikat na online seller na si Madam Inutz. 

Muling pinatunayan ng Kapuso comedienne ang pagiging magaling na impersonator sa bago niyang pasabog na TikTok video na viral na nga ngayon.

Habang naka-stay at home lang ngayon, naisipan ni Pokey na gumawa ng video at gayahin ang patok na pagtitinda online ni Madam Inutz o Daisy Cabantog sa tunay na buhay.

Sikat na sikat ngayon si Madam Inutz dahil sa nakakaaliw at nakakatawang style niya sa pag-o-online selling. Idinadaan kasi niya sa biro ang pang-ookray niya sa mga netizens na nakatambay lang sa kanyang Facebook Live at hindi naman daw nagma-mine.

Mabenta rin sa kanyang supporters ang pagsasayaw niya nang live habang naghihintay ng mga customers at ang hyper niyang pagbebenta.

In fairness, pati mga celebrities ay aliw na aliw kay Madam Inutz kabilang na riyan si Pokey kaya ito ang ginaya niya sa kanyang TikTok video na ipinost niya sa Instagram.

Umabot na sa mahigit 500,000 ang views nito sa IG kung saan nga makikita si Pokwang na ginaya ang nakakatawang pagsasalita ni Madam Inutz complete with OOTD and make-up.

Aniya sa caption, “Ito ang nagagawa ng lockdown!!! Bumabalik ang pagiging impersonator ko hahahaha IMPOSTORA NI MADAM INUTZ!!! 7 billion views walang miners? Ahahahaha.”

Marami ring nagkomento sa post ni Pokey at nagpasalamat dahil sa good vibes na hatid niya sa mga taong nalulungkot at nammroblema ngayon sa panahon ng pandemya.

May mga nag-comment pa nga na sana raw ay si Pokwang ang kunin ng GMA kapag ginawa ang life story ni Madam Inutz sa “Magpakailanman.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending