Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa Bandera

Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Reggee Bonoan |July 08,2022
share this

Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Reggee Bonoan - July 08, 2022 - 05:05 PM

Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

NOONG 2021 pa pala hiwalay sina Pokwang at ang live-in partner niyang si Lee O’Brian na ama ng bunsong anak na si Malia.

Matatandaang 2015 nang magkaroon ng relasyon sina Pokwang at Lee na nagkakilala sa pelikulang Edsa Woolworth na produced ng TFC noong 2014 kung saan isa ang huli sa cast na pinagbidahan ng komedyana.

Naunang napansin na hiwalay na si Pokie sa Amerikanong boyfriend ng hindi na nito kasama sa label ng mga paninda nitong produkto at kamakailan ay nag-launch ulit ang aktres ng bagong label na solo na niya.

 

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

 

Sa “Showbiz Update” YouTube channel nina Ogie Diaz at Mama Loi kasama si Dyosa Pockoh ay inamin ng una na matagal na niyang alam na hiwalay na ang dalawa kaya lang ayaw niyang pangunahan at hintayin kung kailan handang magkuwento na si Pokwang.

Ayon kay Ogie, “Last November 2021 pa wala na at hiwalay na si Pokwang at si Lee O’ Brian. Kaya si Papang Lee ngayon ay nagsosolo ng tirahan at may hanapbuhay yata at nakatakdang umuwi si papang sa US hindi ko alam kung kailan.”

Hirit ni mama Loi, “E, ‘nay ang tanong ng lahat, bakit, anyare?”

“Sa totoo lang masalimuot, eh. Pero ang sinabi lang ni Pokwang ang importante ay hindi kami magkagalit noong naghiwalay kami ni papang,” kuwento ni Ogie habang pinapakita naman ang mga masasayang larawan nina Pokie kasama ang mag-amang Malia at Lee.

“Paano si Malia, “tanong ni mama Loi.

“Si Malia, obviously na kay Pokwang. At tinanong ko naman si Pokwang kung naghahanap ba si Malia kay papang?

“Sabi niya (Pokwang), minsan pero alam naman niya pag ako ang nagte-taping o naka-lock in, tinatawagan ko si papang para siya naman ang tumoka kay Malia sa bahay nila,”pahayag pa ni Ogie.

Say ni mama Loi, “ah kaya kahit wala na sila nagco-parenting sila.”

“Oo, co-parenting. E, okay na raw. Sabi ko, ‘hindi ba malungkot?’ Sabi niya, ‘okay na mars sanay naman akong nag-iisa noon pa naman, di ba? Alam mo ‘yan, kilala mo ako. Ang importante sa akin mga anak ko basta kasama ko mga anak ko, ke may partner o wala.’

“Pero tingnan mo naman si mamang ‘no? Parang walang nabago. E, kasi noon pa naman siya sanay sa ganyan. Hindi rin natin alam baka si Pokwang ‘yung nakipaghiwalay,” say ni Ogie.

“O baka talagang hindi nagwo-work,” sambit ni mama Loi.

“Hindi nagwo-work o baka nakaguhit sa tadhana. Wala namang ipinagkaiba ‘yan sa nag-boyfriend ka, di ba? Ilang beses ka nag-boyfriend tapos maling tao ‘yung nasasamahan mo hanggang ang ending mo ‘yun na ‘yung pinaka-forever mo,” paliwanag ni Ogie.

Dagdag pa, “ang nakakatuwa dito kay Pokwang at kay papang hindi sila magka-away. Ang importante ro’n nakikita pa rin nu’ng bata ‘yung tatay niya. Hindi pinipigilan ni mareng Pokie na makita ni papang si Malia, di ba?”

Related Chika:
Pokwang naloka nang iyakan ng anak ang pagkamatay ng kaibigang langaw

Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto

Pokwang hinabol ng ‘samurai’ ang asawa dahil sa selos: Iyak siya nang iyak!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending