Pokwang nawindang sa mga ‘madaling makalimot’, bilib sa mga taong pinapahalagahan ang boto
HINDI mapigilan ng actress-comedienne na si Pokwang ang magtaka kung bakit mabilis makalimot ang mga Pilipino.
Aniya, napakabilis raw kasing maka-move on ng madlang pipol sa mga maling nagawa sa bansa ng mga politiko gaya na lamang ng pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Sa kanyang Twitter account ay ibinahagi ni Pokwang ang kanyang hinaing ukol dito.
“Aguy! Ang dali natin makalimot sa mga pang-gagantso satin ng mga politikong ginatasan lang ang bayan!
“Tapos kapag naluklok muli at ginatasan tayong muli ano? Ano? Ano? Nga nga,” saad ni Pokwang.
Dagdag pa niya, bilib na bilib raw siya sa mga taong hindi basta basta nagpapadala sa kung ano ang nauuso at talagang nag-iisip kung sino ang dapat iboto.
“Kaya bilib ako sa mga nag-iisip at pinapahalagahan ang kanilang boto,” sey pa ni Pokwang na may pa-hashtag pa na “#Halalan2022” at “#BotoMoDangalMo”.
View this post on Instagram
May mga netizens rin naman na talagang sumang-ayon sa post ng Kapuso star.
“True mamang! Parang hindi nadadala, ano? Yung gusto ng pagbabago pero ayaw simulan sa pagpili ng tama,” comment ng isang netizen.
Saad pa ng isa, “Ang bwisit lang po talaga e kahit nakikita na ginagantso sila e bulag pa din sila sa katotohanan. Maging loyal sana mga tao sa bayan at hindi sa mga politikong iniidolo nila.”
“Malaki binabayaran na buwis tapos nanakawin lang, nakakadismaya talaga,” sey naman ng isa.
Isa si Pokwang sa mga hayagan ang ipinapakitang pagsuporta sa tambalang Leni-Kiko.
Sa katunayan ay nag-host si Pokwang sa ginanap na campaign sortie nina Vice President Leni Robredo at Sen. Kiko Pangilinan sa Rizal nitong Martes, April 5.
Related Chika:
Pokwang sa mga nagsasabing pangit sila ni Melai Cantiveros: Kailan namin sinabing maganda kami?
Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.