Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang 'mabait' pero hindi pala? | Bandera

Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?

Therese Arceo |March 30,2022
facebook
share this

Sino kaya ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang ‘mabait’ pero hindi pala?

Therese Arceo - March 30, 2022 - 11:11 AM

Sino ang pinapatamaan ni Pokwang na inaakala niyang 'mabait' pero hindi pala?

USAP-USAPAN ngayon ang komedyanteng si Pokwang o si Marietta Subong matapos itong humugot sa social media.

Sa kanyang Twitter account, tila may pinatatamaan ang komedyante patungkol sa isang tao na biglang umentra sa kanyang mga GV (good vibes) posts.

Aware naman ang nakararami na isang certified kakampink ang actress-comedienne.

“Yung saya ng post mo napaka GV tapos may mga daot uumpisahan ka tatawagin ka ng kung ano anong okray tapos pumatol ka at binagsakan mo ng katotohanan biglang play victim!” saad ni Pokwang.

At ang nakakaloka ay mukhang kilalang personalidad ang pinapatamaan nito dahil sa naging pag-amin ng komedyante na “idol” niya ang nangdadaot sa kanya na kapag pinatulan ay biglang nagiging biktima ang atake.

Pagpapatuloy ni Pokwang, “Ganyan ka pala idol pa naman kita akala ko mabait ka! PWES! DI AKO DIOS!”

 

 

Marami tuloy ang na-curious kung sino nga ba ang pinatutungkulan ng komedyante.

“Da who? Si Elizabeth Oropesa ba?” tanong ng netizen.

Matatandaang nag-trending rin si Elizabeth Oropesa lately matapos ang kanyang pahayag na “hindi bayaran” ang mga artistang sumusuporta kay presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at running mate nitong si Sara Duterte-Carpio.

Wala namang naging sagot si Pokwang kung sino nga ba ang kanyang tinutukoy sa naturang post.

Payo naman ng madlang pipol na ‘wag na siyang ma-high blood at hayaan na lamang ang mga bashers.

“Haha. Madam @pokwang27 , ganyan po talaga sila lumaban, after nila mam-bash maglalapag naman sila ng victim card.. stay healthy ma’am, wag magpa-stress sa kanila, not worth of your time.. we got you ma’am. We love you! Ingat and God bless,” comment ng isang netizen.

Saad pa ng isa, “Maraming ganyan, Ms. Pokie. Kapag nilatagan mo ng katotohanan. Magiging api. Kawawa sila. Sa dulo, pa-victim sila!”

“They really WORK HARD to bring out the worst in us and make us give up. Laban lang po #Kakampink. Diretso lang ang tingin papunta sa #GobyernongTapatAngatBuhayLahat

Sending encouragement and prayers to you and declaring God’s grace and blessings for you and family!” sey pa ng isa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Pokwang ‘beast mode’ sa mga anti-Leni: Hindi ako takot mawalan ng followers, takot akong mawalan ng dangal!

Pokwang tinulungan ni Kris noong mawalan ng trabaho sa ABS-CBN

Pokwang pinagtripan si Madam Inutz: Ito ang nagagawa ng lockdown!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending