Pokwang super proud lola, apo sa panganay 4 years old na
GINULAT ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ang publiko matapos nitong aminin na isa na siyang certified lola.
Sa kaniyang guesting sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Moiyerkules, December 25, kung saan kasama niya ang panganay na si Mae ay inamin nito na may apo na siya at apat na taong gulang na ito,
Ang pag-amin ni Pokwang ay nangyari matapos siyang tanungin kung ano ang maibibigay niyang love advice para kay Mae.
Aniya, ang nais lang niya para sa panganay na anak ay ang alagaan nito ang kanyang puso at matapos nito ay ang pa-reveal niya patungkol sa apong nagngangalang Gabriel na isinangguni muna niya sa anak kung pwede itong sabihin sa madlang pipol.
Baka Bet Mo: Pokwang hugot na hugot: Sa amin dati, kami ‘yung pinakawalang-wala!
View this post on Instagram
“May apo na ako, four years old. I’m a lola and it’s another blessing,” saad ni Pokwang na tuluysng naiyak na.
Dagdag pa niya, “I have a four year old na super, super cute.”
Chika pa ni Pokwang, blessing at another reason ang apo para patuloy siyang lumaban sa buhay.
“Another blessing ng buhay ko. Another reason na ipagdasal ko ‘yung sarili ko na humaba pa ‘yung buhay ko para makita ko ‘yung paglaki niya… I’m a proud lola,” sey ng Kapuso star.
Kuwento ni Pokwang, noong pandemya ay nabuntis si Mae noong mga panahong dapat ay magtatrabaho ito sa New York ngunit dahil nga sa pagkakaroon ng pandemya ay hindi ito natuloy sa pag-alis ng bansa.
Sa kabila nito ay hindi nagawang magalit ng actress-comedienne sa anak bagkus labis pa itong natuwa at na-excite dahil finally ay magiging lola na siya.
Lahad ni Pokwang, “Hindi ako nagalit… kasi ako naman lagi kong sinasabi na ‘Maka-graduate ka lang, masaya na ako’. Kasi yun lang talaga. Sinunod naman niya ako kahit masakit sa likod ang tuition fee niya. Sabi ko, ‘Anak, maka-graduate ka lang ako na ang pinakamasayang nanay.’ Ginawa naman niya. Naka-graduate siya, nakapagtrabaho siya. Hindi naman siya naging pasaway na bata. Hindi naman siya naging sakit sa ulong anak.
“Kaya nang nalaman ko na she’s pregnant, I am so so so happy. Hindi ako nagalit. Hindi ko siya sinumnbatan.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.