Pokwang suportado ng anak: Sana tumanda siyang may kasama

Pokwang suportado ng anak: Gusto kong tumanda siyang may kasama

Ervin Santiago - August 19, 2024 - 07:15 AM

Pokwang suportado ng anak: Gusto kong tumanda siyang may kasama

Pokwang at Mae Subong

IPINAGDARASAL at isa talaga sa mga wish ni Mae Subong na matagpuan sana ng kanyang inang si Pokwang ang lalaking totoong magmamahal sa kanya.

Kahit daw hindi naging maganda ang experience ng TV host-comedienne sa huling pakikipagrelasyon nito ay gusto pa rin niyang maging maligaya ang lovelife ng nanay niya.

Kasama ni Pokwang ang panganay na si Mae nang sumalang siya sa “EXpecially For You” segment ng “It’s Showtime” bilang searcher nitong nagdaang Sabado, August 17.

Baka Bet Mo: Ricci Rivero tinamaan nang bonggang-bongga kay Andrea Brillantes; viral proposal sa UAAP season 84 may ‘sablay’

“Yes po walang problema,” ang mabilis na sagot ni Mae nang matanong kung suportado ba niya si Pokey sa paghahanap nito ng bagong pag-ibig.

“Para sa akin talaga, mas gusto ko na tumanda siya ng may makakasama,” sabi ni Mae.

“Gusto ko talaga may makasama siya na partner niya sa pagtanda po. Bukod sa amin na family niya, given naman na po ‘yun, di ba? Na support kami sa kanya,” pahayag pa ni Mae.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by @maesubong


Sabi pa ni Mae, mas maganda pa rin kung makatagpo si Pokey ng lalaking magpapaligaya at makakatuwang niya sa buhay. Know naman daw niya na may nga bagay na hindi nila kayang ibigay sa kanilang ina bilang mga anak.

Baka Bet Mo: Angelica: Mahirap maghanap ng mamahalin at magmamahal sa ‘yo, walang presyo ang pag-ibig…

“Hindi siyempre, iba ‘yung mabibigay na support ng partner mo, iba rin ‘yung mabibigay na support ng family mo,” pahayag ni Mae.

Para naman kay Pokwang, kahit na nga masakit at mapait ang nga pinagdaanan niya sa kanyang personal na buhay nitong mga nagdaang taon, bukas pa rin naman ang puso niya na umibig muli.

“Kung may love may hope, kung may hope may love,” ani Pokwang.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sa huling bahagi ng “EXpecially For You”, ang napiling searchee ni Pokwang ay si Richard na naging date niya for the day.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending