#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba? | Bandera

#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?

Reggee Bonoan |September 30,2022
facebook
share this

#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?

Reggee Bonoan - September 30, 2022 - 04:57 PM

#TrueBa: Panganay na anak ni Pokwang na si Ria Mae, buntis nga ba?
KINANTAHAN ni Pokwang at mga anak niyang sina Ria Mae Subong at Malia O’Brian ang ex-partner niyang si Lee O’Brian ng ‘happy birthday’ base sa video post ng komedaya sa kanyang Instagram account nito kagabi, Huwebes.

Nakakatuwa dahil apat lang silang nagdidiwang at walang ibang bisita base sa video kaya siguro napansin ng netizens o followers ni Pokwang ang panganay niyang si Ria Mae na tila buntis.

Taong 2018 nang magtapos ng Culinary Arts sa Enderun College ang panganay ni Pokie kaya sobrang tuwa niya ito noong dumalo siya sa graduation rites at sabi pa na tuparin nito ang pangarap na gustong magwork sa ibang bansa o mag on the job training doon

Kay Ria Mae natuon ang pansin ng netizens imbes sa nagdiriwang ng kaarawan na si Papang (tawag ni Pokie kay Lee) ay sa kanya dahil malaki ang tummy.

Unang nagtanong si @lynivel, “buntis po ba si Mae!?

Si @velvety_pink, ang sumagot,“@lynivel pansin ko nga din po.”

Napansin din ni @christian5906, “@velvety_pink oo nga e, laki ng tyan, nagulat nga rin ako.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)

Gayun din si @na.wa.7545708, “@christian5906 pansin q din prang buntis laki ng tiyan.”

Mula kay @mary.gracee1993, “@lynivel parang buntis nga, bigla ngang tumaba Ang sexy niyan dati diba?”

Marami pang nagtanong na hindi na namin isinulat pa dahil pare-pareho.

Ang napansin namin ay ni isa sa mga nagtanong ay walang sinagot si Pokwang na isip namin ay baka hindi naman totoo kaya ayaw patulan ng komedyana dahil pag sinagot niya ay hahaba pa.

Kung totoo naman ay baka naghahanap pa ng tamang panahon para ibalita ito ni Pokwang o hahayaan niya ang kanyang anak na mag-anunsyo.

Bukas ang BANDERA sa kampo nina Pokwang at Ria Mae.

Related Chika:
Pokwang hiwalay na sa asawang si Lee O’Brian, sey ni Ogie Diaz: Last November 2021 pa

Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng ‘iodine’: Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: Walang third party, hindi rin pera, siguro napagod lang kami…

Pokwang present sa birthday ni Lee O’Brian, may bwelta sa ‘sayang luha’ comment ng netizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending