Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng 'iodine': Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan | Bandera

Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng ‘iodine’: Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

Therese Arceo |July 05,2022
facebook
share this

Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng ‘iodine’: Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

Therese Arceo - July 05, 2022 - 01:38 PM

Pokwang nilait-lait dahil sa spelling ng 'iodine': Di baleng kulang sa E, kesa kulang ang kaalaman sa kasaysayan

BINALIKAN ng mga netizens ang Kapuso star na si Pokwang matapos niyang tawagin ang pansin ni Ella Cruz sa pagkukumpara nito sa kasaysayan.

Kahapon, July 4 nang mag-trending ang Kapuso actress dahil sa kanyang tweet kung saan nagkulang siya ng letrang “e” sa spelling ng iodine.

“nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo, pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali… mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodin ang dagat nakakatalino daw yan,” tweet ni Pokwang.

Agad namang dumami ang naging bashers niya dahil sa naging spelling niya dahil imbes na “iodine” ay “iodin” ang nasa tweet nito.

Hirit ng mga netizens, bago daw sana punahin si Ella ay sana tinignan muna niya ang kanyang sarili.

“Iodine ata not iodin. Lols. Mangangaral ka lang siguraduhin mong tama spelling mo. Matalino ka na nyarn?” saad ng isang netizen.

Dagdag pa ng isa, “yun nga kalakas magturo kung ano nakakatalino pero wrong spelling IODINE niya mukha siya may kailangan.”

Bumuwelta naman agad si Pokwang sa mga bashers na naghahanap ng letrang e sa kanyang spelling ng iodine.

“O yung naghahanap ng letter E na kulang ko sa iodin ayan na!!! E! di bale ng kulang sa letra kaysa naman kulang sa kaalaman at respeto sa kasaysayan!!! Dadamihan ko pa ayan o EEEEEEEEEEEEEEEEEEE ok na?” sey ni Mamang.

May nagtanggol rin kay Pokwang at ibinahagi pa ang screenshot ng kanyang Facebook post kung saan tama ang kanyang spelling sa iodine.

Ni-retweet rin ito ng komedyante sabay banat ng “Hahahahaaa true pinuna maling spelling pero pang bababoy sa kasaysayan hindi????? Ano na???”

Nag-ugat ang pagsita ni Pokwang kay Ella matapos mag-trending ang huli sa kanyang pagkukumpara ng history sa tsismis nang makapanayam siya ukol sa mga natutunan niya sa “Maid in Malacañang”.

Samantala, gumanap naman noon si Pokwang bilang ina ni Ella sa Kapamilya teleseryeng “Aryana” noong 2012.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Related Chika:
Ella Cruz sa mga natutunan niya sa ‘Maid in Malacañang’: History is like tsismis

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending