Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu Bandera

Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu

Ervin Santiago |March 21,2021
share this

Ella Cruz may suot na proteksyon para hindi saniban ng masamang ispiritu

Ervin Santiago - March 21, 2021 - 09:50 AM

TAKOT na takot si Ella Cruz habang nagsu-shooting para sa horror movie na “Biyernes Santo” mula sa Viva Films at sa direksyon ni Pedring Lopez.

Ito ang dahilan kung bakit kinailangan ng actress-dancer ng spiritual advisor habang kinukunan ang kanyang mga eksena sa pelikula.

Ayon kay Ella, isang ispiritista ang karakter niya sa “Biyernes Santo” at  para hindi saniban ng mga ligaw na kaluluwa o bad spirit habang nasa shooting, may nagga-guide sa kanila na spirit questor.

“Meron kaming consultant po na healer din. Kinailangan ko po siyang kausapin. Kasi, I do all the rituals sa film, then nung sinasabi niya po yon doon ako naiyak, kasi siyempre, doing all the rituals is like waking up or shaking the spirits around kahit na naniniwala ka or hindi,” pagbabahagi ni Ella sa nakaraang mediacon ng “Biyernes Santo.”

“So, doon ako natakot na sabi ko kailangan ko ng guide kasi baka mamaya di ba? Usually what happens when you’re doing horror films, kunwari may na-e-exorcist biglang sila din natutuloy. Natatakot ako na ganu’n mangyari sa akin,” sey pa ng young actress.

Isang proteksyon din ang palaging suot ni Ella para hindi gambalain ng mga elemento, “Good thing kinausap ko po yung kakilala nila Direk. Nagtanong ako, sabi ko, ‘Paano mas mapoprotektahan?’

“Sabi niya, prayers lang talaga. So I have a St. Benedict na pendant na I’m wearing. Makikita ninyo po sa mismong movie suot ko talaga siya. Hindi na pinatanggal sa akin ni Direk. So, yon talaga yung protection ko.

“And dumating din sa point na bawat eksena talaga na gagawa ng ritual, nagpe-pray talaga ako. Naalala ko nu’ng last time na pinag-prayer ako ni Direk sa morning, umiyak talaga ako sa sobrang takot ko na baka kung ano ang mangyari sa akin,” aniya pa.

Ngunit sa kabila nga nito, inaatake pa rin siya ng takot lalo’t ang pinagsusyutingan nilang lugar sa lock-in shoot ay siya ring nagsisilbing pansamantalang bahay nila.

“Kasi sa bahay kami naka-lock in mismo. So, parang sabi ko, ‘Kaya ko ba ito? Dito kami nagsu-shoot, dito ’yong horror scenes tapos dito din kami matutulog?

“Pero ’yun nagtiwala na lang din po ako, nagdasal po ako and good thing talaga walang mga ka-tatakutang naganap. Na-survive ko naman po siya,” kuwento pa ni Ella.

Patuloy pa niyang chika, “Nu’ng napanood ko po yung trailer, kahit ilang beses ko ng napanood yung trailer, nagugulat at natatakot pa rin po ako doon sa eksena nung Mama Mary na istatuwa at saka yong baby na duguan. Kasi yon na yong point na, ‘Okey, natapos kong i-shoot yung film.’

“Pero after the film, hindi ko alam kung kaya kong panoorin yung mismong film with all the effects plus yung mga eksena na hindi ko po alam. So, yon, hindi ko po alam kung kaya ko po siyang panoorin,” dagdag pa ng dalaga.

Mapapanood na sa March 26 ang “Biyernes Santo” sa Vivamax kung saan bibida rin sina  Gardo Versoza, Mark Anthony Fernandez, Andrea del Rosario at introducing si Via Ortega.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending