Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat 'Nak...nakakatalino daw yun | Bandera

Ella Cruz basag na basag din kay Pokwang: Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat ‘Nak…nakakatalino daw yun

Ervin Santiago - July 05, 2022 - 07:45 AM

Ella Cruz at Pokwang

GRABE ang nilikhang ingay ng kontrobersyal na “History is like tsismis” na pahayag ni Ella Cruz dahil hindi lang mga taga-showbiz ang bumabanat sa kanya kundi pati mga historians at History professors.

Hanggang ngayon ay hot topic at pulutan pa rin si Ella sa social media at na-headline pa nga sa mga news programs sa TV at radyo.

Nag-ugat nga ito nang sagutin ng aktres ang tanong tungkol sa pagganap niya bilang Irene Marcos sa historical drama-comedy movie na “Maid In Malacañang” directed by Darryl Yap.

Sagot ni Ella, “History is like tsismis. It is filtered and dagdag na rin, so, hindi natin alam what is the real history.

“Nandoon na iyong idea, pero may mga bias talaga. As long as we’re here alive at may kanya-kanyang opinion, I respect everyone’s opinion.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by 𝚎𝚕𝚕𝚊 ✨ (@ellacruz)


“Kasi struggling na, e, last three days! Kahit naman sila struggling even right now, di ba? So, paano kaya iyon na there [was] so much pressure on their side during those times?” ani Ella na ang tinutukoy ay ang kuwento sa likod ng last 72 hours ng pamilya Marcos sa Malacañang Palace noong February, 1986, habang nagaganap ang EDSA People Power Revolution.

Pagtatanggol naman ni Darryl Yap kay Ella na idinaan niya sa Facebook, “Nakita mo naman Ella Cruz; basta’t may pwede silang sakyang isyu, kahit wala namang masamang kahulugan, gagawin nilang lahat ang kanilang makakaya para imisinterpret ka at palakihin para mahawa ng relevance.”

Isa sa mga celebrity na bumanat kay Ella ay ang Kakampink na si Pokwang na gumanap na nanay niya sa Kapamilya series na “Aryana” na umere noong 2013.

Ipinost ni Pokey sa Facebook at Twitter kahapon, July 4, ang mensahe niya sa aktres, “Nak Ella Cruz tanggap ko pananaw mo sa politika at respeto ko ang sino man sinuportahan mo.

“Pero sa usaping HISTORY, di ako sasang ayon sayo nak dahil mali! maling mali…

“Mabuti pang ibalik na kitang muli sa dagat nak mayaman sa iodine ang dagat nakakatalino daw yan #Aryana,” buong pahayag ng komedyana.

Habang sinusulat namin ang balitang ito ay wala pang inilalabas na official statement si Ella o ang Viva Artists Agency hinggil sa issue.

Sa pagkakaalam namin, nasa lock-in shooting pa rin ngayon ng “Maid In Malacañang” ang dalaga kasama ang mga co-stars niyang sina Cesar Montano, Ruffa Gutierrez, Cristine Reyes, Diego Loyzaga, Robin Padilla, Elizabeth Oropesa, Karla Estrada, Beverly Salviejo, Kiko Estrada at Kyle Velino.
https://bandera.inquirer.net/317458/ella-cruz-pinagtawan-dahil-sa-sinabing-history-is-like-tsismis-pinangaralan-ni-agot-isidro

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

https://bandera.inquirer.net/317359/ella-cruz-sa-mga-natutunan-niya-sa-maid-in-malacanang-history-is-like-tsismis
https://bandera.inquirer.net/316234/ella-cruz-ayaw-sumabak-sa-sexy-movies-ng-vivamax-ay-ibang-level-yun-nakakaloka-hindi-ko-kaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending