Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O'Brian: Walang third party, hindi rin pera, siguro napagod lang kami... | Bandera

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: Walang third party, hindi rin pera, siguro napagod lang kami…

Ervin Santiago |July 13,2022
facebook
share this

Pokwang sa hiwalayan nila ni Lee O’Brian: Walang third party, hindi rin pera, siguro napagod lang kami…

Ervin Santiago - July 13, 2022 - 07:43 AM

Lee O’Brian at Pokwang

HINDI palamunin at isang mabuting ama naman daw ang American actor na si Lee O’Brien ayon sa Kapuso comedienne at TV host na si Pokwang.

Nagbigay ng pahayag si Pokey kagabi tungkol sa paghihiwalay nila ni Lee sa panayam ng “24 Oras” kung saan ipinagtanggol pa niya ang dating dyowa sa mga bashers.

Maluha-luhang nagkuwento ang Kapuso star tungkol sa tunay na dahilan ng paghihiwalay nila ni Lee pagkatapos ng anim na taong pagsasama nila bilang partners.

“Kasi ako ‘yung taong lahat tinitiis ko, hanggat kaya ko, ako lang.

“Hanggat kaya ko itago sa anak ko, hanggat kaya ko huwag iiyak sa harap nila. Lahat ng burden gusto ko ako lang. Parang nahihiya ako mandamay sa pamilya ko,” pahayag ni Pokwang sa nasabing interview.

Seven months na silang hiwalay ni Lee at desisyon daw nila na huwag nang isapubliko ang kanilang hiwalayan hangga’t maaari para hindi na ito pagpiyestahan ng mga tao.

Pahayag ni Pokwang, “Una sa lahat walang third party, wala in all fairness kay Papang. Hindi rin pera, kagaya ng mga lumalabas na pera. Hindi ganoon, walang ganoon. Siguro napagod lang kami.”

Nahe-hurt din daw siya sa mga nababasa niyang kanegahan tungkol kay Lee sa social media kaya nakikiusap siya sa mga netizens na huwag munang husgahan ang ama ng kanyang anak.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Sana ang alam ng tao na ang hinuhusgahan ninyo na si Lee O’Brian ay mabuting tao naman po. Mabuting ama. Nasasaktan lang ako sa mga nababasa ko na kesyo palamunin ko daw. Masipag po ‘yung tao,” sey ng komedyana.

Sey pa ni Pokey, sakaling magtanong at mag-usisa na si Malia tungkol sa naging relasyon nila ni Lee, handa siyang ipagtapat sa bata ang lahat-lahat.

“Naka-ready naman ako sa kaniya kung ano man ang katanungan niya. Ganoon talaga ang buhay.

“Kung sakaling mangyari sa iyo ‘to anak, ako rin unang makakaunawa sa’yo at susuporta sa ‘yo,” aniya pa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nagkakilala at na-in love sa isa’t isa sina Pokwang at Lee nang gawin nila noong 2014 ang pelikulang “Edsa Woolworth.”

Pokwang nanggigil sa basher na nagsabing karma ang paghihiwalay nila ng dyowa: Bakit may pinatay ba ako? G*ga ka!?

Pokwang umaming 7 buwan nang hiwalay sa dyowang Amerikano: Hindi karma ang natapos na pagmamahalan

Coleen puring-puri si Billy bilang anak, asawa at tatay: Happy birthday again, my love!

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending