Kris, Miles 4 months magkatabi matulog nang mag-lockdown dahil sa COVID

Kris Aquino, Miles Ocampo at Bimby
FEELING lucky ang “Eat Bulaga” Dabarkads na si Miles Ocampo dahil napabilang siya sa ilang taong itinuturing nang anak-anakan ni Kris Aquino.
Hanggang ngayon ay malapit pa rin ang aktres at TV host sa Queen of All Media at tuluy-tuloy din daw ang komunikasyon nila kahit hindi sila regular na nagkikita.
“I was with… ‘di ko pala siya naabutan. Kasi nag-birthday si Bimb the other day, I was there and nadadalaw ko rin po si Tita Kris.
“Constant naman ‘yung communication namin. Parang I’ve worked with her, ano pa ako, 10 years old? 11 years old? Parang ganyan. Tapos magtu-28 na ako, constant pa rin ‘yung communication namin,” pahayag ni Miles.
Nakachikahan namin ang dalaga pagkatapos ng contract signing niya bilang pinakabagong talent ng All Access To Artists (AAA) management.
Patuloy pang kuwento ni Miles, “Masuwerte ako kasi si Tita Kris, ‘pag love ka, love ka talaga. Even after ilang years na po ‘yun parang ‘di naman nawala ‘yung communication namin.
“And masaya ako na ‘yung alam mo po ‘yung trust na ibinibigay, ‘yun nga po siyempre, hindi lahat (nagiging close kay Kris),” dugtong ni Miles.
Natanong din kung anong napi-feel niya kapag nakikita niya si Kris lalo pa’t patuloy ang pakikipaglaban nito sa siyam niyang autoimmune disease.
“Siyempre nakaka-sad, ‘yung payat niya. Siyempre sino ba naman ‘yung gustong nahihirapan siya, ‘di ba? But naniniwala naman kami na ‘yung prayers, and sa dami ng doctors niya. We’ll pray for her recovery,” pahayag ni Miles.
View this post on Instagram
Online shopping daw ang isa sa mga bonding nila ni Kris, “Ano lang tsismisan lang talaga or nasa phone lang siya nagsa-shopping, mga ganyan. Online shopping.
“Oo normal (pinagsa-shopping siya), si Tita Kris naman napaka-generous sa lahat ng bagay,” sey pa ng dalaga.
Tungkol naman sa regalo sa kanya ni Kris na hindi niya makakalimutan, “I stayed with her for three to four months nu’ng pandemic, basta napakahaba ng kuwento.
“Ang nangyari, nagka-COVID ako, tapos galing ako sa house niya. Ang gusto niyang mangyari, siguraduhin niyang safe ako. Tapos parang that time nagkaroon ng lockdown so we went to Pampanga, du’n kami nag-lockdown.
“So I was with her for three to four months, everyday tabi kaming matulog. So, isa si Tita Kris sa mga taong pinagkakatiwalaan ko at hinihingian ko rin ng advice kapag kailangan ko,” rebelasyon ni Miles.
E, sa lovelife, ano ang sinasabi sa kanya ni Kris, “Basta masaya raw ako. Pero hindi pa sila nagmi-meet ni Elijah, hindi pa. Basta sabi niya masaya raw ako, okay naman siya. Kung saan daw ako masaya, malaki na raw ako.”
Anyway, maraming plano ang Tripe A mananagement sa career ni Miles at naniniwala sila na marami pang maio-offer ang dalaga sa mga manonood.
Proud ang All Access To Artists na tanggapin si Miles na pinamumunuan ng President and CEO nitong si Direk Michael Tuviera, CFO at COO na si Joselito C. Oconer at ng Head of Operations and Sales na si Jacqui L. Cara.
Ayon kay Miles, looking forward siya na makatrabaho rin sa kanyang future acting projects ang mga kasamahan niya sa Triple A na sina Marian Rivera, Maine Mendoza, at Carla Abellana.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.