Panganay nina Ninoy at Cory may inamin tungkol kay Bam Aquino

Panganay nina Ninoy at Cory may inamin tungkol kay Bam Aquino

Ervin Santiago - April 28, 2025 - 12:05 AM

Panganay nina Ninoy at Cory may inamin tungkol kay Bam Aquino

Ballsy Aquino-Cruz at Bam Aquino

PORMAL nang inendorso ni Ballsy Aquino-Cruz ang kandidatura ng kanyang pinsan na si dating senador at independent senatorial candidate Bam Aquino.

Ayon kay Ballsy, panganay na anak nina dating Sen.. Ninoy Aquino at dating Pangulong Cory Aquino at kapatid ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III, napakarami pang pwedeng gawin si Bam para sa mga Filipino.

“Sa darating na halalan, muling humihingi ako ng tulong sa inyo. Iyong pagmamahal na ipinaramdam ninyo kay Ninoy, kay Cory, kay Noy at sa buong pamilya namin sa mahabang panahong magkakasama tayo, ang hiling ko po, sana iparamdam natin kay Bam,” ang pahayag ni Ballsy sa isang video.

“Marami pa siyang maitutulong sa ating lahat. Kaya sana po ibalik natin siya sa Senado. Number 5 sa balota, Senator Bam Aquino,” aniya pa.

Ayon kay Ballsy, bata pa lang si Bam, na kilala sa kanilang pamilya bilang Bam-Bam, ay kasama na nila ito sa mga protesta para maibalik ang kalayaan ng bansa kasunod ng pagkamatay ni Ninoy.

“Anim na taong gulang siya noon, galing school, pupunta siya sa mga mini-caucus para humingi ng hustisya sa pagkamatay ni Dad,” saad pa ni Ballsy.

Tumulong din si Bam sa kampanya ni dating Pangulong Cory sa pagkapangulo.

Aniya, lumaki si Bam dala ang pagiging matulungin sa kapwa, na kanyang ipinagpatuloy bilang youth leader, social entrepreneur, hanggang maging senador.

“Nang maging senador siya noong pangulo si Noy, ang mahihirap at maliliit na negosyo ang kanilang tinutukan. At ipinaglaban niya na maging libre ang edukasyon para sa lahat ng Pilipino. Ngayon, libre na ang kolehiyo!” aniya pa.

Nagbalik kamakailan si Ballsy sa kanilang bayan sa Tarlac para ikampanya si Bam.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Nag-palengke run siya sa Tarlac Public Market sa Tarlac City, kung saan nagpamigay siya ng tarpaulin, sticker at leaflet, at nakipag-usap sa mga tindera at mga namimili ukol sa mga nagawa ni Bam at mga gagawin pa kapag nakabalik sa Senado.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending