Pokwang inaming muntik makunan habang ipinagbubuntis si Malia

Pokwang inaming muntik makunan habang ipinagbubuntis si Malia

Therese Arceo - July 17, 2024 - 08:09 PM

Pokwang inaming muntik makunan habang ipinagbubuntis si Malia

HINDI napigilan ng Kapuso actress-comedienne na si Pokwang ang magkuwento tungkol sa kanyang dinanas sa dating karelasyon na si Lee O’ Brian.

Sa kanyang panayam sa showbiz columnist at kaibigang si Ogie Diaz, emosyonal niyang ibinunyag ang mga hindi magandang experience na dinanas sa piling ng ama ng bunso niyang anak na si Malia.

Amin ni Pokwang, nagsimula na ang kanilang hindi pagkakaintindihan noong mga panahong ipinagbubuntis niya ang anak.

Nahuli na raw niya noon pa ang dating karelasyon na panay ang like sa sexy photos ng mga babae sa social media.

Baka Bet Mo: Pokwang sa mga kabit: Dahil sa tawag ng kap*kp*kan BAD KARMA SOON!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Nang tapatin raw ni Pokwang si Lee ay bigla na lang siyang minura nito at binuhusan pa ng tubig habang nagpapahinga.

Dagdag pa niya, naisipan rin niyang lumayas noon sa kanilang tirahan kahit pa maselan ang kanyang pagbubuntis ngunit hindi man lang nagpakita ng pag-aalala si Lee sa kanya.

Kuwento ni Pokwang, “Pero hindi ako hinanap, kusa akong umuwi kasi si Mae Mae nag-internship sa Europe. Nagtataka si Mae-Mae, ‘Asan ka ba? Ba’t ganiyan-ganiyan?’ Umuwi na lang ako kasi baka makahalata ‘yung bata.

“Ayoko mag-alala anak ko kasi nasa malayo siya, e. Umuwi ako never ako hinanap niyan.”

Pasabog pa ni Pokwang, ilang beses na rin siyang muntikang makunan dahil sa nararamdamang stress.

“Ilang beses akong muntik makunan. Ilang beses akong nakunan dahil sa stress sa kanya.

“Kung hindi ko pinaglaban si Malia, na ini-injection ako ng pampa kapit, walang Malia dahil sa stress ko sa kaniya. Pinaglaban ko lang, ‘di ba?” sey pa ni Pokwang.

Nagbago naman raw ito kahit papaano nang dumating si Malia ngunit naging iresponsable pa rin itong ama at partner sa kanila.

“Mahal niya dahil bata. Pero ‘yung ginampanan niya pagiging ama, never. Hindi nga siya nag-effort na mag-ayos kami ulit, ‘di ba?” sey ni Pokwang.

Dagdag pa nito, “Kung talagang mahal niya ‘yung anak niya. Kung talagang mahal niya kami gagawa ng effort ‘yan. Parang feeling ko gumawa siya ng paraan para makaalis.”

Ani Pokwang pinili raw niyantvitago ang ganitong mga detalye noon sa kanyang mga kaibigan, pamilya, maging sa publiko dahil nais raw niyang ayusin ang kanilang pamilya.

Ngunit sa kabila ng kanyang pagtitiis ay nauwi pa rin sila sa hiwalayan dahil hindi na rin niya kinaya ang ginagawa ni Lee sa kanila.

Nang tanungin naman si Pokwang kung sasabihin pa raw ba niya kay Malia ang isyu sa pagitan nila ng dating karelasyon, sinabi nitong wala siyang balak isikreto sa anak ang nangyari.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Wala naman akong isisikreto sa kaniya, e. Ako, sa mga anak ko lahat ng nangyari sa buhay ko kahit si Mae Mae, alam nila wala akong sinesekreto,” sey ng komedyana.

Nagbigay naman ng mensahe si Pokwang para sa mga tulad niyang biktima rin ng pang-aabuso.

“Unang una, lumaban kayo hindi dahil mahal mo pa siya, hindi. Lalo na kapag may anak kayo. ‘Yung karapatan nu’ng bata,” sabi ng Kapuso actor.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending