Pokwang sa mga kabit: Dahil sa kap*kp*kan BAD KARMA SOON

Pokwang sa mga kabit: Dahil sa tawag ng kap*kp*kan BAD KARMA SOON!

Ervin Santiago - June 26, 2024 - 09:54 AM

Pokwang sa mga kabit: Dahil sa tawag ng kap*kp*kan BAD KARMA SOON!

Pokwang

NAPAKALALIM ng hugot ng Kapuso TV host-comedienne na si Pokwang tungkol sa mga kabit at sa sinumang naninira ng pamilya.

Naniniwala si Pokwang na may kakambal na gaba at parusa ang mga taong nakikipagrelasyon sa mga may asawa na na madalas nagiging sanhi ng paghihiwalay ng mga married couple.

Sumagot ang komedyana sa isang post ng netizen sa Thread na isang bagong social media app, na nagtanong kung ano ang masasabi nila sa mga kabit other woman.

Baka Bet Mo: Jodi sa mga kabit: You are worthy enough na hindi itago, na dapat ipangalandakan sa buong mundo at pakasalan

“Gusto ko talaga malaman mga ka thread, kung ang mga kabet na pinili kesa sa original wife is may mga peace of mind?

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Knowing na may tao silang sinasaktan at may batang na broken family dahil sa mga maling decisions nila sa buhay?comment your pov guys, babasahin ko isa isa without judgement, gusto kolang malaman , Thankyou (heart hands emoji) legalwife here (woman raising a hand emoji).”

Iba-iba ang naging tugon ng netizens pero siyempre pinagpiyestahan ang sagot ni Pokey na nagsabing may katumbas na bad karma ang pagiging kabit.

“Yung mga babaeng malalandi, makati ang b*$^t kung masaya sila ngayon dahil naagaw ng kalandian nila ang isang lalaki na may pananagutan lalo at may batang involve, well THE WRATH OF GOD is coming!

Baka Bet Mo: Vice naloka sa babaeng nag-shoutout sa ‘kabit’: ‘Ano ka ba, ang dami na naming issue, dadagdag ka pa!’

“Di sila matatahimik, masaya sila sandali lang pero tandaan may nawasak silang puso at masaya sanang pagsasama, dahil sa kalandian at tawag ng ka pokpokan di nila antala si KARMA BAD KARMA SOON!” ang matapang na sabi ni Pokwang.

In fairness, marami ang um-agree sa litanya ni Pokey. Narito ang ilan sa mga nabasa naming comments.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Marietta Subong (@itspokwang27)


“Agree! May mga babae talagang ganyan. Kala naman nila jackpot sila. Karma is waving.”

“I agree, kabit at mga lalake n di makuntento ang sumisira sa pmilya. I’m sure di sila magkakaroon ng peace of mind at tyak n di rin sila magtatagal. Karma is real. Ipaparanas din s knila yung gnw nila.”

“Tama yan Ms Pokwang indi sila magiging masaya habang buhay din ang Karma.”

May isang Thread user naman ang tila  nagsumbong kay Pokwang, “Mamang nangyari sakin more than a year ago.. Hindi nagsusustento kahit nandito din siya sa bansang Kung San nandito din kaming mag Ina.. Iniwan niya kami Para sa kabit niya.”

Ang advice sa kanya ng komedyana, “Sampahan mo ng kaso!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May kumontra rin naman sa sinabi ni Pokwang. Komento ng isang netizen, “Wag ka makisalI kung di ka pa pinakasalan. Mistress by definition is extramarital relationship with a married man. So yun hanash mo sa personal buhay mo eh isarili mo na lang nagmumukha ka lang desperate.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending