Jelai Andres: May karapatan talaga ang asawa na magalit sa mga kabit | Bandera

Jelai Andres: May karapatan talaga ang asawa na magalit sa mga kabit

Ervin Santiago |April 13,2021
facebook
share this

Jelai Andres: May karapatan talaga ang asawa na magalit sa mga kabit

Ervin Santiago - April 13, 2021 - 12:10 PM

BALITANG nag-file na umano ng annulment ang Kapuso sexy comedienne na si Jelai Andres para ipawalang-bisa ang kasal nila ng actor-rapper na si Jon Gutierrez.

Hindi diretsong sinagot ni Jelai ang tungkol dito sa inilabas niyang tell-all vlog kamakailan tungkol sa tunay na estado ng relasyon nila ni Jon matapos ngang kumalat ang chika na muli raw nangaliwa ang singer.

Nang tanungin kasi siya kung totoong nagsampa na siya ng annulment case ay tumanggi siyang magkomento kaya ang paniwala ng kanyang mga supporter, baka raw nasa korte na ito kaya hindi na siya pwedeng magsalita.

Sa nasabing vlog, idinetalye rin ni Jelai kung paano sila nagkaayos at nagkabalikan ni Jon matapos  maghiwalay anim na buwan matapos magpakasal noong October, 2018 dahil sa third party.

Ayon kay Jelai, nagkabalikan sila habang nagsu-shoot para sa Kapuso series na “Owe My Love” ngunit muli raw nagloko ang asawa, “Pinagbigyan ko si King Badger. Nagkabalikan talaga kami. Excited pa nga akong i-reveal ‘yun noong lock-in taping, i-reveal ‘yun.

“Magkahiwalay lang kami ng bahay pero mag-asawa pa rin kami kasi kinasal kami ‘di ba, pero alam n’yo naman na inaayos namin ‘yun. Tapos noong lock-in taping, nagkabalikan kami.

“Nagbigay ako ng chance tapos excited akong i-reveal pero hindi pa rin nag-work kasi nga nalaman natin ito, may mga lumabas. Sa ngayon masakit pero excited ako sa next chapter ng life ko,” dire-diretsong chika ng komedyana at vlogger.

Patuloy pa niya, “Sino ba naman ang ayaw na buo ang pamilya, ‘di ba? Siyempre ginawa ko ‘yung part ko as a wife. Feeling ko ganun eh, inisip ko ‘yung marriage namin.

“Ganu’n ‘yung parte ng asawa eh, kailangan mo magtiis, kailangan mo siya sagipin. Parang baka enough na. Wala akong pagsisisihan kasi nagawa ko ‘yung part ko as a wife, and ‘yun nga, sino ba namang ayaw na buo ang pamilya.

“Hindi naman kami mag-boyfriend or mag-girlfriend katulad ng sinasabi nila na ‘Tino-tolerate mo, ganyan, ganyan.’ Hindi eh. Hindi kami mag-girlfriend-boyfriend para bigla mo lang bitawan ‘yung isang tao. Kinasal kami eh. Buti sana kung boyfriend ko lang ‘yun eh, pero hindi, mag-asawa kami,” paliwanag ng Kapuso comedienne.

Samantala, sa nasabi ring vlog sinagot ni Jelai ang ilang tanong ng netizens tulad ng, “May karapatan ba ang asawa na lumaban sa mga kabit?”

“Actually, may karapatan talaga ang asawa lalo na kung ikinasal kayo na magalit kasi initial reaction ‘yun nu’ng taong niloloko ng karelasyon niya, lalo na kung kinasal kayo. Initial reaction ‘yun na may galit ka sa dalawang tao, hindi sinasabing ‘yung kabit lang ‘yung inaway.

“Lahat naman ng bagay may hangganan. Totoong may karapatan talaga. Karapatan ‘yun, asawa mo ‘yun, legal wife ka eh. Bakit hindi ka lalaban?” sagot ni Jelai.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

May patama rin siya sa third party sa relasyon nila ni Jon nang tanungin kung ano ang favorite color niya, “Dati neon green. Ngayon, white na lang para clean, purity, tapos bagong buhay. Ayaw ko ng neon green kasi ‘yung kabit ng asawa ko, ginagamit niya ‘yung neon green na heart kapag sine-share niya ‘yung video namin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending