Moira dela Torre binitawan ng Cornerstone, may attitude problem?

Moira dela Torre binitawan na ng Cornerstone, may attitude problem?

Therese Arceo - December 26, 2024 - 06:26 PM

Moira dela Torre binitawan na ng Cornerstone, may attitude problem?

HOW true kaya ang chika na tuluyan na g binitawan ng Cornerstone bilang talent ang singer-songwriter na si Moira dela Torre dahil sa ugali nito?

Sa latest episode kasi ni “Showbiz Update” ni Ogie Diaz kasama sina Mama Loi at Ate Mrena, isa ang mang-aawit sa kanilang mga napag-usapan.

Ayon umano sa source no Ogie, ligwak na si Moira sa Cornerstone.

Ito raw ay dahil sa hindi magandang pag-uugali ng singer-songwriter.

Baka Bet Mo: Moira dela Torre nagtanggal ng profile picture, sey ng netizens: Mananakit ka na naman?!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

“May nagchika sa akin, isang source, ang sabi sa atin, pinakawalan na si Moira ng kanyang talent management, ang Cornerstone.

“So ang mga nakarating sa ating mga chika, una, may attitude raw noon pa si Moira. Pangalawa, nagde-demand raw si Moira [sa management] ng ‘Anong plano n’yo sa akin. Ano bang mga gagawin ko pa?’ Lately, wala na tayong nababalitaan mga pinasikat pang awitin ni Moira,” lahad ni Ogie.

Ang tanong pa niya, totoo kayang ang pagiging diva ng singer ang dahilan ng pagkakaligwak nito sa talent agency.

“So ‘yung pag-a-attitude raw ni Moira ay malaking factor para mag-decide raw ang Cornerstone na siya ay bitawan na. Totoo ba yan?” tanong ni Ogie.

Aniya, base sa kuwento ay naki-usap pa ang singer kung pwede silang mag-comanage ngunit hindi na raw pumayag ang Cornerstone at involved rin daw ang dyowa nito sa kanyang mga desisyon.

“Malaki raw na bahagi ng mga desisyon ni Moira ‘yung kanyang boyfriend ngayon. Non-showbiz ata itong boyfriend,” chika ni Ogie.

Nakarating rin sa talent manager na sinasabihan umano ng singer ang kanyang road manager sa Cornerstone na sa kanya na sumama at mag-resign na sa talent agency.

“Ang nakakaloka nito, one time nag-usap si road manager at saka si Moira para sabihin na ‘Oy, ano? Sa akin ka na. Tayo na ang mag-establish. Mag-resign ka na sa Cornerstone.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Ito na ang nakakaloka, habang kausap ang road manager, naka-speaker phone at naririnig ng Cornerstone [ang kanilang usapan].”

Linaw ni Ogie, ‘yun daw ang naturang kuwento na nakarating sa kanila.

Samantala, bukas naman ang Bandera para sa paglilinaw ni Moira hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending