Benj Pangilinan, Angela Ken may nakaka-inlove na collab

Benj, Angela may nakaka-inlove na collab, Moira co-writer ng bagong kanta

Pauline del Rosario - June 23, 2024 - 07:25 PM

Benj, Angela may nakaka-inlove na collab, Moira co-writer ng bagong kanta

PHOTO: Courtesy of Sony Music

FOR the first time, nagkaroon ng collaboration ang OPM young singers na sina Benj Pangilinan at Angela Ken.

Mainlove at kiligin sa feel-good track na pinamagatang “Nandito Na Ako.”

Ang nagsulat ng bagong single ay mismong si Benj kasama ang multi-awarded singer-songwriter na si Moira Dela Torre at ang pinsan niyang si Josh Buizon, ang bokalista ng bandang Over October.

Ibinunyag din ni Benj na kaya niya napiling makasama si Angela sa kanta ay dahil na rin sa kapatid niyang aktor na si Donny Pangilinan.

“It was in that moment that he recommended Angela Ken,” chika ng multi-talented artist.

Baka Bet Mo: Kapatid ni Donny Pangilinan na si Benj nilabas na ang first music video, mala-’short film’ ang peg

Kwento pa niya, “He made me listen to her songs, and honestly, I was immediately blown away. Seconds later, I sent her a message.”

Aminado naman si Angela na nagulat at na-excite siya nang matanggap ang demo mula sa fast-rising newcomer.

Napa-oo raw agad siya sa music project dahil angkop ito sa kanya music genre.

“My most favorite thing was our recording for this track,” pag-amin ng young recording star.

Aniya pa, “I saw the passion Benj has for his craft and it was very chill. It’s effortless, but it brims with so much promise.”


Naikwento rin ni Benj na ito ang unang beses na nagsulat siya ng Tagalog song kaya talaga namang naging challenging ito sa kanya.

“I wrote the song with my Tita Felichi Buizon, my cousin Josh Buizon (frontman of Over October), Angela Ken, and another songwriter friend, Moira. Initially, I wanted to write a happy nostalgic OPM song, but as the project progressed, it naturally evolved to the song we have today,” wika niya.

Dagdag pa niya, “We really wanted to bring back that nostalgic OPM melody while trying to evolve the music production through my personal influences and honestly what we felt the song needed at the time.”

Mapapakinggan na sa lahat ng digital music platforms worldwide ang “Nandito Na Ako” via Sony Music Entertainment.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Mapapanood naman ang music video ng kanta sa YouTube page ni Benj kung saan sila rin mismo ni Angela ang bida.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending