Julius Babao binarag ng fans ni FPJ: Patay na huwag nang babuyin

Julius Babao binarag ng fans ni FPJ: Patay na…huwag nang babuyin

Ervin Santiago - January 07, 2025 - 09:32 AM

Julius Babao binarag ng fans ni FPJ: Patay na...huwag nang babuyin

Fernando Poe, Jr., Susan Roces, Anna Marin at Julius Babao

NAKATIKIM ng maaanghang na salita ang veteran broadcast journalist na si Julius Babao dahil sa naging panayam niya sa veteran actress na si Anna Marin.

Napapanood ang naturang interview ni Julius sa kanyang YouTube channel na “UNPLUGGED” na milyun-milyon na ang nakuhang views ngayon.

Ito ay may titulong, “EXCLUSIVE! KILALANIN ANG PANGALAWANG PAMILYA NI ‘DA KING’ FERNANDO POE JR.” Dito napag-usapan nga ang naging relasyon ng aktres sa yumaong Action King.

Nagkasama sina FPJ at Anna sa pelikulang “Tatak ng Tundo” (1978) kung saan tampok din sina Joseph Estrada, Paquito Diaz, Anita Linda, Dencio Padilla, Max Alvarado, Dranreb Belleza at Divina Valencia, mula sa direksyon ni Ronwaldo Reyes (gamit na pangalan ni FPJ bilang direktor).

Baka Bet Mo: Hugot ni Joey de Leon: ‘Pwede ba ‘pag natigok kami kalimutan n’yo na ‘yung rest in peace, respect na lang?’

Nakilala raw ni Anna si FPJ noong 17 years old siya sa Bonanza restaurant sa EDSA, Quezon City. Ayon sa aktres, first love raw niya si Da King dahil wala pa siyang karanasan talaga noon sa pakikipagrelasyon.

Nagde-date rin daw sila that time tulad ng pagkain sa labas at pagpunta sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas. Open naman daw si FPJ sa kanilang relasyon at hindi siya itinatago.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Julius Babao (@juliusbabao)


Natanong ni Julius ang aktres kung ano ang first impression niya kay FPJ, “Siyempre, sikat yan, di ba? My God, di ba?! Wow! Superstar yan!”

Hindi raw niya tinanong si Da King tungkol sa asawa nitong si Susan Roces, “Hindi ko naiintindihan. Siguro may mamba-bash sa akin, ‘Ano ka, tanga ka. Luka-luka ka ba? That’s the truth. Not only I was young, I really wasn’t aware.

“Hindi ko talaga alam. Hindi ko naman nabasa, wala namang nagsabi sa akin. Walang nag-explain sa akin. It’s as simple na hindi ko talaga naiintindihan,” aniya pa.

Nabuntis daw siya sa anak nila ni FPJ (Ronian Poe) noong 18 years old siya at naging nanay sa edad na 19. Habang tumatagal ang relasyon nila ni FPJ saka lang niya naintindihan ang kanyang sitwasyon.

Never din daw niyang tinanong si FPJ kung pakakasalan ba siya o hindi. Kapag naiisip nga raw niya ang nangyari noon sinasabi niya sa sarili, “Gusto kitang sampalin, hindi ka nag-iisip.”

Kasunod nga nito ay naglabas ng saloobin ang kanang-kamay ni FPJ na si Susan Tagle sa kanyang Facebook page tungkol sa naging panayam ni Julius kay Anna Marin.

Aniya, “Will someone please tell Julius Babao to stop using FPJ to gain an audience! It is simply disrespectful.”

Sinegundahan ito ng dating aktor na si Dranreb Belleza, na close rin sa pamilya ni FPJ. Komento niya, “Santee imagine my seething anger.” ang tinutukoy niyang “Santee” ay si Susan Tagle.

Sabi naman ng isang netizen, “Using FPJ’s name to gain viewers, what a shame.”

“Mas bagay na si Julius maging entertainment reporter kaysa sa hard news dahil siya ay Journo-least Babaw.”

“Hay naku patay na wala na sa mundo yung Mr n Mrs FPJ, huwag ng babuyin,” comment naman ng isang FB user.

Pag-agree sa kanya ng isa pa, “Yes po grabe gingawa nya interviewing peple with No credibility at all. For what for the views.? Napakawalang respeto sa mag asawa.” Na sinagot ni Susan Tagle ng, “All for the money and the publicity.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Bukas ang BANDERA sa magiging pahayag ni Julius hinggil sa isyung ito.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending