Gardo Verzosa, Dindo Arroyo may pasabog na pag-amin kay Julius Babao
HUMANDA na para sa hit YouTube series ni Julius Babao na “Unplugged” dahil mapapanood na ito sa TV5 simula September 22, Linggo, 4 p.m..
Walang filter na ibabahagi ng mga celebrities at personalidad ang kanilang mga buhay sa pamamagitan ng “where are they now” type na mga interview.
Tampok sa bawat episode ng “Julius Babao Unplugged” ang iba’t ibang kwento ng mga kilalang personalidad noon at ngayon at ang kanilang mga kuwento sa likod ng kanilang kasikatan.
Ang kaibahan ng “Unplugged” sa TV5 ay ang mas malalim na pagtalakay sa mga pinagdaanan ng mga kilalang indibidwal.
Baka Bet Mo: Dindo Arroyo tsinugi na sa Batang Quiapo; McCoy ‘pinapapatay’ na rin
Higit sa karaniwang Q&A, mas eksklusibong ibabahagi ang kanilang mga tagumpay, kabiguan, at mga aral na siguradong magbibigay-inspirasyon sa mga manonood.
View this post on Instagram
Ilan sa mga kwentong dapat abangan ay ang muling pagbangon ni Gardo Versoza matapos ang kanyang heart attack at ang himalang paggaling ni Dindo Arroyo mula sa pancreatic cancer.
Abangan din ang mga kontrobersyal na pahayag mula kina AJ Raval, Mercedes Cabral, Queenay, at marami pang iba.
Dito, lalayo muna si Julius Babao sa kanyang papel bilang isang respetadong news anchor at journalist para magpakita ng bagong istilo ng pamamahayag kung saan malayang makapagbabahagi ng kanilang damdamin ang kanyang mga panauhin sa mga kwentong tatagos sa puso ng bawat manonood.
Layon ng bagong show na ito ang maghatid ng mas malalim na pagkilala sa mga personalidad para mas lubos silang maunawaan ng publiko.
Abangan ang premiere ng “Julius Babao Unplugged” sa September 22 at panoorin ito tuwing Linggo, 4 p.m. sa TV5.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.