Dindo Arroyo tsugi sa Batang Quiapo; McCoy pinapapatay na rin

Dindo Arroyo tsinugi na sa Batang Quiapo; McCoy ‘pinapapatay’ na rin

Reggee Bonoan |February 22,2024
facebook
share this

Dindo Arroyo tsinugi na sa Batang Quiapo; McCoy ‘pinapapatay’ na rin

Reggee Bonoan - February 22, 2024 - 04:48 PM

Dindo Arroyo tsinugi na sa Batang Quiapo; McCoy 'pinapapatay' na rin

McCoy de Leon, Coco Martin at Dindo Arroyo

KAYA pala nag-viral ang pakiusap ng netizens na “Save Severino” ay dahil tsinugi na ang naturang karakter sa seryeng “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Lunes.

Si Severino ay ginagampanan ni Dindo Arroyo bilang trusted staff at kanang kamay ni Christopher de Leon as Ramon Montenego/Alberto Frias.

Umabot din ng isang taon si Dindo sa programa at kahit na kontrabida ang karakter niya ay maraming loyal viewers ng “BQ” ang gusto siya.

Baka Bet Mo: ‘Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin’

Kaya nga hiniling na huwag muna siyang mawala bagkus ay si David played by McCoy de Leon ang hinihiling na sana’y mawala na dahil pinasasama niya ang karakter ni Coco Martin bilang si Tanggol na nagkunwaring siya ito.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Dindo Arroyo (@therealdindoarroyo)


Anyway, nagpaalam naman si Dindo sa pamamagitan ng kanyang Facebook account, “Severino, Signing off. Maraming salamat sa muli!!!”

Patunay na mahal si Dindo ng viewers ng “FPJBQ” dahil sa mga nabasa naming komento mula sa netizens.

Galing kay Danver TC, “Boss Severino, akala ko pa naman ikaw ang makakatuluyan ni Madam Olga. Pansin ko malagkit lagi tingin sayo nun e haha.”

Nalungkot naman si Anna Zaragoza Barcelon, “Kaka sad naman po Sir. Isa ka sa mga legend na Actors dito sa Pinas. Once na makita ka nga sa Isang palabas alam agad na di basta-basta ang palabas nyun dahil andun ka.”

Mungkahi ni Denisse Mendiola, “Idol Dindo, sa year 2 ng Batang Quiapo, sana may kakambal si Severino na lalabas at magugulat sina David at Olga na buhay pa si Severino.”

Sumagot ang aktor sa kanya, “Denisse Mendiola, di ba sinakay ako sa ambulance? Malay mo?”
Hayan, posibleng buhay pa nga si Alex Medina na kasintahan ni Olga na inakala ng lahat na patay na pero buhay pa pala at siya ngayon si Nonie Buencamino na bagong pasok sa bilibid.

Hindi naman pabor ang netizen na si Eli Rae Angeles, “Ma miss ka nmen igaganti ka nmen k David kelan ba caravan sa qc para masabi nmen k Ramon ang totoong alam mo.”

Baka Bet Mo: ‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Natawa naman kami dahil nitong nakaraang weekend ay nagkaroon ng caravan ang “Batang Quiapo” kasama ang lead star na si Coco sa Cavite at mainit siyang sinalubong doon. Kailan naman kaya da Quezon City direk Coco?

Mag-aabang na lang daw sa bagong show si Hope Marco Neri Yutuc, “Signing off na pa talaga ikaw sa Batang Quiapo bro Dindo Arroyo abangan nalang kita sa ibang teleserye.”

Gayun din ang sabi ni Escosura Dona, “Waiting po nang comeback nyo sa #BatangQuiapo kasama ni Tangol sa pagbabalik sa sa totoong tatay nya baka pati iyon panaginip lang.”

Mula kay Carla May Sanchez, “Thank you for your great contribution to Batang Quiapo Severino, you will be miss.”

Sabi naman ni Aldo Dangatan, “Akala ko ssmahan mo si boss Ramon hnggang mtapos ang BQ, prang kulang tuloy.”

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Mccoy De Leon (@mccoydeleon)


Samantala, walang humpay ang selebrasyon ng “FPJ’s Batang Quiapo” para sa una nitong anibersaryo dahil libre nang mapapanood sa buong mundo ang full episodes ng season one sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

Isa ito sa mga regalo ng “Batang Quiapo” family, sa pangunguna ng Primetime King na si Coco, sa mga manonood na walang sawang sumusuporta at nagmamahal sa programa. Mababalik-balikan sa season one ang simula ng kwento ni Tanggol (Coco) at ang mga iconic scene na tumatak na sa puso ng mga Pilipino.

Sa pagbubukas ng bagong kabanata ng mas maakysong “FPJ’s Batang Quiapo,” tuloy-tuloy pa ring mapapanood nang live at on-demand ang mga bagong episode sa Kapamilya Online Live sa Pilipinas, Asya, Australia, Europe, at New Zealand.

Samantala, nagsimula nang mag-ikot ni Coco at iba pang cast ng “FPJ’s Batang Quiapo” sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas bilang parte ng pagbibigay saya at pasasalamat sa kanilang mga taga-suporta para sa anibersaryo ng programa.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Una nilang binisita ang mga barangay sa Cavite noong Pebrero 17 kung saan libo-libong fans ang nag-abang sa motorcade.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending