'Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin' | Bandera

‘Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin’

Ervin Santiago |November 06,2022
facebook
share this

‘Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin’

Ervin Santiago - November 06, 2022 - 11:06 AM

'Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin'

Dindo Balares at Kris Aquino

NASA Los Angeles, California, USA na ngayon ang Queen of All Media na si Kris Aquino kasama ang dalawang anak makalipas ang ilang linggong pananatili sa Texas.

Balitang unti-unti nang bumubuti ang health condition ng award-winning actress-TV host sa Amerika kaya naman tuwang-tuwa ang kanyang fans nang mabalitaan ang nasabing good news.

Sa vlog ng talent manager na si Ogie Diaz kinumpirma nitong maayus-ayos na ang kundisyon ng nanay nina Joshua at Bimby, “Nakakabuti sa kanya. So si Kris ay kumbaga nagpapalakas, nagpapadagdag pa lalo ng timbang.

“Kaya jusko, napaka-effective po ng ating prayers. So continue praying for Kris’ recovery,” sabi ni Ogie

Sa Facebook at Instagram post naman ng malapit na kaibigan at dating entertainment editor na si Dindo Balares, kinumpirma nitong nasa Los Angeles na nga ang TV host at kinumpirma nga nito na nakaka-recover na si Kris mula sa kanyang mga karamdaman.

Aniya, may ipinadalang bagong video si Kris sa kanya pero hindi pa niya ito maibahagi sa social media kaya isang throwback photo muna ang ipinost niya kahapon.

“Kumusta na si Kris? As sharp as ever at makulit pa rin.

“Kumpirmado ang inilabas ni Ogie Diaz sa YouTube na umalis na sa Texas at lumipat sa Los Angeles si Krisy.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by dindo m. balares (@dindo.m.balares)


“May ipinadala siyang video with Kuya Josh at Bimb, puwede sanang i-screen grab para pang-update sa kanilang followers, pero ‘di ko naipagpaalam kaya itong isa sa mga dating photo namin muna ang ipo-post ko.

“Bakit may kasamang tree-planting activity ko sa bundok?

“Dahil simulang mag-retire ako sa diyaryo, nakasubaybay si Kris sa pagbabalik ko sa pagtatanim. Bonding at pang-goodtime ko sa kanila ni Bimb ang pagpapadala ng photos tuwing nasa bundok ako. ‘Di kasi nila gets noong una kung bakit ko ipinagpalit sa lupa, mga halaman, at manok ang trabaho sa city.

“Pero agad din namang naintindihan. Kailangang gamutin ang lupa upang maibalik ang nutrient density ng mga pagkain. Healthy soil, healthy plants, healthy people.

“Mula sa pag-uumpisa, laging updated si Kris sa experiments ko sa natural fertilizers. Aliw na aliw at napakalutong ng tawa niya nang malamang uminom ako ng ginawa kong lactic acid bacteria serum (isa sa fermented biofertilizers na ginagamit sa Korean Natural Farming).

“Natutuwa rin siya sa propagation ko sa Japanese sweetpotato at iba pang superfoods.

“‘Please tell me if there’s anything Kuya Dindo The Farmer needs,’ sabi niya sa akin paglipat niya sa LA. ‘O, hayan ka na naman,’ sagot ko. “Nagpapagamot, e. Ikaw na muna. Ikaw naman na muna. ‘Wag na muna ang ibang tao.

“‘Hindi ka ibang tao, Kuya Dindo, you are FAMILY. Please, it’s the least I can do.’

“Bigtime kulitan, ganyan kami.

“Gusto niyang suportahan ang ginagawa kong soil regeneration.

“For the first time, may tumawag sa akin ng environmentalist. Si Krisy.

“Inakala kong passive listener lang siya sa mga kuwento ko tungkol sa mycorrhizal fungi na kinu-culture ko at ginagamit namin sa pagtatanim sa bundok.

“Inalam niya, na ito o living soil ang solusyon sa napakaraming problema ngayon sa mundo at sa kalusugan ng mga tao, at higit sa lahat — sa climate change.

“She’s as sharp, concern, and loving as ever,” ang buong post ni Kuya Dindo tungkol sa huling pag-uusap nila ni Kris.

Kris tuloy pa rin ang pagpapagamot: Mahaba pa ang laban, my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School…

‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending