Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga | Bandera

Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Ervin Santiago |May 26,2022
facebook
share this

Liza Soberano kakaririn ang Hollywood dream; relasyon kay Enrique Gil iniintriga

Ervin Santiago - May 26, 2022 - 09:42 AM

James Reid, Liza Soberano at Jeffrey Oh

NILAGYAN ng malisya ng ilang netizens ang pagpunta ni Liza Soberano sa Los Angeles, California kasama ang ex-boyfriend ni Nadine Lustre na si James Reid.

Spotted kasi last Saturday, May 21, sina Liza at James na magkasamang um-attend sa Gold House Gala sa Amerika na dinaluhan din ng mga sikat na international celebrities.

Sa mga hindi pa masyadong aware  ang Gold House “is a changemaker community which promotes Asian and Pacific Islander (API) creatives and companies. The first-ever Gold Gala was a gathering of API leaders and allies.”

Sa kanyang Instagram page, makikita ang ilang litrato ng aktres kung saan kasama nga niya si James at si Jeffrey Oh, ang CEO ng music label ng aktor na Careless.

“Had a great time at Gold House’s 1st Annual Gold Gala in Los Angeles,” ang caption ni Liza sa kanyang post.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Liza Soberano (@lizasoberano)


At dahil nga rito, may mga netizens ang nagtatanong kung hiwalay na ba sina Liza at Enrique Gil at bakit nga si James ang ka-date nito sa nasabing event.

Ayon sa manager ng Kapamilya actress na si Ogie Diaz, naniniwala siya na very much together pa rin ang LizQuen at matagal nang magkaibigan ang dalaga at si James.

Sabi pa ni Ogie, nais karirin ni Liza ang pagtupad sa kanyang  Hollywood dream at malaking tulong nga sa kanya ang pagdalo sa mga showbiz events sa US.

“Ang alam ko talaga ‘yun nga, iba na ang career na tatahakin ni Liza. May career pa rin siya rito pero gusto niyang magkaroon din ng opportunity sa Hollywood,” pahayag ng talent manager sa bagong vlog niya sa YouTube.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Ang importante ngayon kay Liza ay ang kanyang inner happiness at ‘yan naman ay nakikita ko sa kanya na happy siya inside, ‘yun ang importante.”

Kasunod nito, nagsalita rin siya tungkol sa iniintrigang relasyon nina Liza at Enrique, “Ako naniniwala na sila pa rin. Nagkataon lang na may family affair si Quen sa Spain at ‘yung kanyang tour doon sila ay mayroon din.

“Basta ako naniniwala friends si Liza at si James Reid,” diin pa no Ogie.

Kasalukuyan ngang nasa Spain si Enrique kasama ang kanyang pamilya habang nananatili pa rin sa Amerika si Liza with her brother. At kami rin ay naniniwala na walang malisya ang friendship nina Liza at James.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

True ba, Liza lalaban sa Miss Universe PH next year matapos matalo si Rabiya?

Ogie sa haters ni Liza: Wala namang nakikitang maganda ang bashers, kaya nga sila bashers, di ba?

Rabiya walang malisya ang relasyon sa ex-PBB housemate: I’m not available…

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending