Kathryn itatambal daw kay James Reid; ‘BQ’ ni Coco pasabog na naman

Coco Martin, Kathryn Bernardo at James Reid
MARAMING nag-aabang sa pagbabalik ni James Reid sa telebisyon dahil ang huling regular show pa niya ay ang “Idol Philippines” noong 2019 kung saan isa siya sa naging hurado.
Kasama noon ni James sina Moira dela Torre, Regine Velasquez at Vice Vice Ganda.
Inanunsyo ni James na magbabalik na siya sa ABS-CBN at ang tsika ay si Kathryn Bernardo ang makakatambal niya, pero hanggang ngayon ay wala pang follow-up tungkol dito.
Baka kasi tatapusin lang muna ang programang “Pilipinas Got Talent” kung saan isa si Kathryn sa mga hurado kasama sina Donny Pangilinan, Eugene Domingo at Mr. Freddie M. Garcia o FMG.
Baka Bet Mo: Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda
At dahil sa nabalitang balik-telebisyon na si James ay maraming nagtawagan sa kanyang brand para kunin siyang ambassador or gusto siyang isponsoran sa mga magiging programa niya.
View this post on Instagram
Isa na ang long time clothing apparel na Penshoppe na gustong makipagsosyo sa aktor at kasama sa partnership nila ang mga personal na kuwento, at ang tagline na “Partner in Style.”
Ang kampanya na nagtatampok kay James na magpapakita ng pinakabagong koleksyon ng brand at may titulong “Brighter Days.”
Samantala, tungkol naman sa lovelife ng aktor ay steady lang sila ng girlfriend niyang si Issa Pressman. Nasa Plus 65 Festival sila na ginanap sa Ayala Malls Manila Bay kamakailan.
Nu’ng isang araw ay may video post si Issa na kabilang si James sa ginanap na festival.
Caption ng dalaga, “Throwing an appreciation post coz I wanna for my fave female & male artist, these two just killed their festival, just released their EPs (plain girl & Jgh) && more we can’t tell u yet!!! Proud of youuuu, what a full month & we got more coming!! Congrats & good luck. Let’s go!! Love, your cheerleader & creative director.”
* * *
Grabe, umabot na pala sa 12 milyong total views sa YouTube ang “FPJ’s Batang Quiapo” episode noong Pebrero 21 sa loob lamang ng dalawang araw.
Record-breaking din ang episode dahil mahigit isang milyong Pilipino ang sabay-sabay na nanood sa Kapamilya Online Live sa YouTube na may 1,004,554 all-time high peak concurrent viewers.
Ito ang unang beses na umabot sa isang milyon ang sabay-sabay na tumutok sa serye sa pamamagitan ng naturang livestream. Ito rin ang ika-apat na magkakasunod na gabi kung saan nagtala ang serye ng lampas 800,000 live concurrent viewers.
Sa pinakahuling episode, tinutukan ng viewers ang umaatikabong ratratan kung saan walang humpay ang maaaksyong engkwentro ng mga karakter nina McCoy De Leon, John Estrada, Christopher De Leon, at Coco Martin.
Ipinakita rin dito ang matagal nang inabangan na muling paghaharap ng mortal na magkaaway na sina Tanggol at Ramon (Coco at Christopher), kung saan isiniwalat na sa kanila ang pasabog na rebelasyon na sila ang tunay na mag-ama.
Patok na patok sa netizens ang makapigil-hiningang episode kung saan iba’t ibang reaction videos ang ibinahagi nila sa social media.
Sa mga susunod na episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” ay lalong titindi ang banggaan ng mga magkaaway dahil magsasanib-pwersa na sina Tanggol at Ramon para sa nakatakdang mas malaking bakbakan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.