Vice Ganda umatras daw sa Idol Philippines dahil kay Sarah; inirekomenda si Chito Miranda
DAHIL pala kay Sarah Geronimo kaya hindi na tinanggap ni Vice Ganda na maging judge sa “Idol Philippines Season 2.”
Ito ang isa sa ibinalita ni Ogie Diaz sa mga tagasubaybay nila ni Mama Loi at Ate Mrena sa “Showbiz Update” vlog nila na in-upload sa YouTube channel nila nitong Miyerkules na nag-usap daw sila sa over the phone.
“Si Vice dapat talaga nasa season 2 siya nu’ng nabalitaan niyang sina Sarah Geronimo, Regine Velasquez at siya ang uupo bilang mga hurado.
“E, kasi si Vice sabi niya gusto niyang makatrabaho si Sarah, e, ang huling trabaho nila ni Sarah ay ‘yung sidekick palang siya sa Judy Ann (Santos) kaya ito excited siya to work with Sarah kasi ‘yun ang parang nagpapaangat ng puwet niya na ma-excite para maging hurado ulit,” kuwento ni Ogie.
Ang binabanggit na pelikulang pinagsamahan nina Judy Ann at Sarah ay ang “Hating Kapatid” na ipinalabas noong 2010 na idinirek ni Wenn Deramas at kasama nga si Vice sa karakter na Beauty.
View this post on Instagram
Sa madaling salita nabitin si Vice sa pagsasama nila ni Sarah sa nasabing pelikula.
Kasama naman ni Vice sina Moira dela Torre, Regine Velasquez at James Reid bilang mga hurado sa “Idol Philippines” season 1 kung saan nagwagi si Zephanie Dimaranan na ngayon ay nasa Kapuso network na.
Ibig sabihin, si Sarah G sana ang kapalit ni James Reid pero hindi na nga natuloy.
Pagpapatuloy ni Ogie, “E, biglang nawala si Sarah, siyempre nabawasan ‘yung excitement ni Vice nu’ng hindi na nga pumuwede si Sarah. Bilang kilala ko si Vice nae-excite ‘yan hindi mapakali ‘yan kapag nae-excite siya sa gagawin niya, so, parang hindi siya na-excite.”
Tungkol naman sa pagpasok ni Chito Miranda ng Parokya ni Edgar, si Vice raw mismo ang nagrekomenda para maging hurado sa “IP” season 2.
“Hiningan siya (Vice) ng suggestion kung sino ‘yung puwede at si Chito nga ang sinabi niya para kapit pa rin sa masa.
“Tapos si Gary V, si Moira saka si Regine nandoon (mga hurado). Pero alam mo nalungkot si Regine. Nilapitan niya si Vice sabi niya, ‘Vice wala na akong kalaro.’
“Si Moira sabi naman niya, ‘Ate Vice paano ‘yan, wala na akong kakampi pag may nam-bash sa akin.’ Sabi naman ni Vice, ‘hindi pag may nam-bash sa ‘yo, kakampi mo ako.
“At least di ba, nararamdaman pa rin ni Vice ‘yung pagmamahal sa kanya ng staff, nang mga artista, ‘yung mga hurado, di ba? And base sa survey ng management na si Vice kailangan nandodoon (Idol Philippines) dahil sa kanya kumakapit ‘yung masa,” paliwanag ni Ogie.
Nasa “It’s Showtime” pa rin daw si Vice base sa kuwento nito kay Ogie, “Sabi nga ni Vice mahal niya ang Showtime kahit nabubuwisit siya, naiinis siya at may mga hindi sila pinagkakaunawaan na hindi niya maiwan kasi bahay na niya ‘yun.”
Nabanggit ding hindi lang dahil sa kita ang pagmamahal ni Vice sa “Showtime” kundi dahil nae-excite pa rin siyang gawin ito kahit apat na taon na pala siyang walang kontrata sa ABS-CBN at hindi ito dahilan para lisanin niya ang Kapamilya network.
“Pag may panibagong show doon na lang daw mag-alok ulit. Kasi kung may kontrata at Showtime pa rin, ganu’n din naman. Siguro ayaw na rin ni Vice magbayad pa ng dagdag ang management dahil may kontrata,” paliwanag ni Ogie.
Tungkol naman daw sa meeting with Direk Bobot Mortiz ay dahil gustong makita ng huli ang TV host para mag-catch up plus pinag-usapan din ang show sa Dubai na dapat sana’y ngayong June pero nalipat ng Agosto dahil namatay ang hari ng Dubai.
“Dahil namatay ang hari ng Dubai, bawal mag-show in the next 40 days,” sambit ni Ogie.
https://bandera.inquirer.net/313875/idol-philippines-muling-magbabalik-gary-valenciano-chito-miranda-bagong-judges-na-makakasama-nina-moira-at-regine
https://bandera.inquirer.net/100420/sarah-sa-kathniel-mabait-sila-sa-akin-wala-silang-yabang
https://bandera.inquirer.net/314037/robi-domingo-napiling-host-ng-idol-philippines-chito-miranda-gary-valenciano-bagong-mga-hurado
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.