Jellie Aw, Jam Ignacio nagkabalikan na ayon kay Xian Gaza

Jellie Aw, Jam Ignacio nagkabalikan na ayon kay Xian Gaza

Therese Arceo - April 26, 2025 - 04:19 PM

Jellie Aw, Jam Ignacio nagkabalikan na ayon kay Xian Gaza

KINUMPIRMA ng social media personality at certified marites na si Xian Gaza ang pagbabalikan nina Jam Ignacio at Jellie Aw.

Sa kanyang Facebook page ay ibinahagi ng self-proclaimed Pambansang Marites ay sinabi niyang 99.9% na totoo ang chika.

“BREAKING NEWS: Ex ni Karla Estrada at DJ na binugbog nito, nagkabalikan na!” chika ni Xian sa kanyang Facebook post noong April 24.

Baka Bet Mo: Jellie Aw hugot na hugot: Nakalaya ako sa sitwasyong hindi ko deserved!

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Bandera (@banderaphl)

Wala man sinabing pangalan si Xian, gets naman agad na ang kanyang pinatutungkulang ex-dyowa ni Karla ay si Jam at ang sinasabing DJ na binugbog ay si Jellie.

“YES EATS KOMPIRMD 99.9%. ‘Yung 0.01% eh yung germs na hindi mapatay ng safeguard,” biro pa ni Xian.

Biniro pa nga niya sina Jellie at Jam ng “rematch” sa Japan at hindi raw aamin ang dalawa sa kanilang pagbabalikan dahil “nakakahiya”.

Matatandaang noong February 12 ay nag-viral ang Facebook post ng DJ matapos siyang bugbugin ni Jam Ignacio habang nasa loob ng sasakyan.

“HAPPY VALENTINES? taena mo Jam Ignacio mapapatay moko wala akong ginawang masama para ganituhin moko halos mamatay ako sa ginawa mo! papalukong kita!” saad ni Jellie.

Inireklamo nga niya ang kanyang fiancee sa National Bureau of Investigation dahil sa ginawang pananakit nito na nag-ugat raw nang dahil sa matinding selos.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Sobrang seloso po kasi. Kahit maliit na bagay, talagang pinapalaki niya. Kahit po sa work ko, ‘pag may kumakaway sa akin, nagagalit siya,” lahad ni Jellie.

Sinabi rin ng DJ na nais niyang pagbayaran ni Jam ang ginawang pamimisikal sa kanya at kahit napatawad na niya ito ay hindi pa rin niya ito mapapatawad.

Samantala, wala pa namang kumpirmasyon direkta mula kina Jellie at Jam hinggil sa isyu.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending