'Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris...masarap at masaya pa rin siyang kausap' | Bandera

‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Ervin Santiago |August 29,2022
facebook
share this

‘Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris…masarap at masaya pa rin siyang kausap’

Ervin Santiago - August 29, 2022 - 04:00 PM

Kris Aquino masarap pa ring kachikahan kahit may sakit

Kris Aquino

MASAYA at masarap pa rin daw kausap at kachikahan ang tinaguriang Queen of All Media na si Kris Aquino.

Yan ang ibinalita sa amin ng isa sa malapit na kaibigan at itinuturing na ring parang tunay na kapatid ni Kris na si Kuya Dindo Balares.

Dating entertainment editor ng isang tabloid si Kuya Dindo na retired na ngayon at kung may isang taga-showbiz na pinagkakatiwalaan ni Tetay, isa na nga siya roon.

Ayon sa dating showbiz editor, marami ang nagtatanong sa kanya kung ano na ba talaga ang estado ng health condition ng award-winning TV host-actress.

Lalo pa nga’t nabalita ngang may dalawang bagong autoimmune disease na nadiskubre ang mga doktor sa naging resulta ng huling medical test na ginawa kay Kris sa Amerika.


Kaya naman sa kanyang Facebook account, nag-post si Kuya Dindo ng kaunting update tungkol kay Kris.

“Para isahang sagot na lang po sa maraming nangungumusta tungkol kay Krisy through PM. May mga nagtatanong din kung kumukontak pa ba siya sa akin.

“Yes po, kahapon at kanina lang magka-chat kami. Lahat ng mga anak ko, alam na umuwi ako sa bundok at proud sa magsasakang tatay nila.

“Huwag po masyadong mag-alala ang mga nagmamahal kay Kris, masarap at masaya pa rin siyang kausap. Sa katunayan, ang isa sa messages niya: ‘Kuya Dindo antok na ko- pero SUPER comedy talaga kami ni Ate!’

“Si Ate ay si Ballsy, na may update tungkol sa kanya na nasa news ngayon. Di pa detalyado kung bakit sila SUPER comedy.

“Let’s continue praying na gumaling na si Krisy. Maraming-maraming salamat! Maraming-maraming salamat po sa pagmamahal,” aniya pa.

Kamakailan nga lang ay ibinalita ni Ballsy na apat na autoimmune disease na ang nilalabanan ngayon ng bunsong kapatid

“When she left, she had two autoimmune diseases. I think now there are four. She’s not even 90 pounds now, she’s like 85 or 86. For the other treatments that they want to try, she has to put on more weight. She has to get a little bit stronger.

“Kris and her medical team are still trying to give her the right, correct treatment.

“She has so many allergies that all the medicines they’ve been trying haven’t been working, or maybe they did but then the side effects, they were not too happy about,” dagdag pa niya.

Patuloy daw na lumalaban si Kris para sa kanyang mga anak na sina Joshua at Bimby, “There was a time when she was really feeling that she was about to give up because she was having such a difficult time.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“But then, when she looks at the pictures of her sons or when she sees them, then she knows she still has to fight,” sabi pa ng ate ni Kris.

Dream role ni Sylvia natupad sa Huwag Kang Mangamba: Masarap siyang paglaruan

Elisse: Yung matagal ko nang hinahanap nakita ko na sa pagiging ina, masarap talaga sa feeling…

Kylie hindi na nakapagtimpi kay Cristy Fermin: Grow up! Ang tatanda nyo na

TV executive hinding-hindi na kukuha ng mga artistang alaga ng kilalang talent manager

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending