Kris tuloy pa rin ang pagpapagamot: Mahaba pa ang laban, my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School…
TULUY-TULOY pa rin ang pakikipaglaban ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa kanyang mga karamdaman at mukhang wala siyang balak sumuko kahit ano pa ano ang mangyari.
Nagbigay ng update ang kaibigan ni Kris at kasamahan natin sa Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na si Kuya Dindo Balares tungkol sa health condition ng award-winning TV host.
Sa kanyang Facebook post, una niyang nilinaw ang tungkol sa kumalat na picture ni Tetay sa social media na sinasabing pinakabagong kuha raw ng nanay nina Joshua at Bimby.
View this post on Instagram
Ayon kay Kuya Dindo, 2019 pa kuha ang nasabing litrato, “Dagsa ang messages na nagtatanong tungkol sa picture ni Kris Aquino na ikinatutuwa ng kanyang followers.
“Pati ang sister ko sa Dubai, nag-uusisa sa authenticity ng picture,” paglilinaw ng veteran showbiz writer at editor.
Dagdag pa niya, “May updates at may ipinadalang photos sa akin si Kris kamakailan, kaya nang makita ko ang litrato na sinasabing mula raw sa latest post niya, agad kong nasagot na, ‘not true’ (na ito ang latest photo niya).
“January 9, 2019 pa po kinunan ang said picture,” sabi pa ni Kuya Dindo na isa sa mga taga-showbiz na talagang pinagkakatiwalaan ni Kris.
Pagbabahagi pa niya hinggil sa kundisyon ngayon ng TV host-actress, “Tuloy ang pagpapagamot ni Kris sa kanyang mga karamdaman. Tulad ng karamihan sa atin, may feeling din siya na may malaking binago sa kalusugan ng mundo ang COVID.
“Bagamat nahihirapan, may mga bagay pa ring dapat ipagdiwang at ipagpasalamat, ayon na rin sa huling chat namin,” dagdag ng veteran writer.
Sabi pa raw sa kanya ni Kris, “The loyalty & genuine love of people like you and the prayers, generosity, and kindness of people I’ve never even met- super blessed na ‘ko.”
Pahabol pa ni Kuya Dindo, “Touched na touched si Kris sa prayers for healing ng kanyang mga kaibigan at followers. Pinalalakas at pinatatapang siya ng kanyang well-wishers.
“‘Mahaba pa ang laban — my goal is to see Bimb graduating from an Ivy League School here or UP, UST, or Ateneo Med School,'” ang sabi pa raw ni Kris sa kanya.
“Muli po, ang mula sa pusong pasasalamat sa prayers for healing,” ang mensahe pa ni Kuya Dindo.
https://bandera.inquirer.net/322697/huwag-po-masyadong-mag-alala-ang-mga-nagmamahal-kay-kris-masarap-at-masaya-pa-rin-siyang-kausap https://bandera.inquirer.net/317238/kris-aquino-mga-anak-nagpositibo-sa-covid-19 https://bandera.inquirer.net/312472/joshua-bimby-lumipad-na-patungong-amerika-kris-nagpaiwan-muna-bakit-kaya https://bandera.inquirer.net/279461/anyare-relasyong-bea-alonzo-dominic-roque-pang-instagram-lang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.