Kris Aquino gustong maging mayor si Bimby: Hindi talaga siya magnanakaw

Kris Aquino at Bimby
SA panayam ni Kris Aquino kay Ogie Diaz sa YouTube channel nitong “Ogie Diaz Inspire” ay inamin nitong pangarap niyang maging mayor ang anak na si Bimby.
Ipinaalala ni Ogie kay Kris na 18 years old na ang bunsong anak at ito ang pinakahihintay niya, na sana ay maabutan niyang tumuntong sa legal age si Bimb dahil nga marami siyang sakit at hindi nito alam ang mangyayari sa araw-araw.
“Nagdarasal ako na sana umabot ako ng another 7 years kasi na-discover ‘yung autoimmune disease ko 7 years ago, so, sana umabot ako na makita siya (Bimb) soaring in as mayor (napa-wow naman si Bimb).
“That’s my dream because gusto niya marunong siyang maki-deal sa lahat ng tao, sobrang honest nito, so, hindi yan talaga magnanakaw at all and magaling mag budget, so, maalagaan niya ‘yung mga tao (constituents). May four choices siya kung saan,” pagtatapat ni Kris.
At kaya rin pala Legal Management ang gustong kuning kurso ni Bimb pagpasok niya ng kolehiyo.
Nasulat namin dito sa BANDERA nitong Abril 25 na kaya ito ang kursong gusto niya ay, “Diverse, e. Let’s be honest sa business, sa politics, and showbiz also. It’s always an option, eh, sabi ni lola (dating Pangulong Corazon Aquino) and my mom said and my family who entered politics,‘ it’s a calling eh.”
View this post on Instagram
Hirit ni Kris, “Honey, it’s destiny!”
Ang lola at tiyuhin ng binata ay naging presidente ng Pilipinas, si Gng. Corazon C. Aquino at tiyuhing si Noynoy Aquino at dating senador naman ang lolong si Ninoy Aquino at iba pang kaanak na kasalukuyang may posisyon ngayon sa gobyerno.
Say pa ni Kris, “First of all, you have to have charisma and you have that (nagpasalamat ang anak sa ina) and of course you’re a cute mayor.”
Samantala, may pangarap si Kris noon na hindi niya nagawa at hoping na si Bimb ang magtuloy nito, ang makapag-aral sa Harvard University.
“This is my dream that did not happen and I hope he gets to fulfill it. Right now di ba inaaway ni Trump (Donald-US President) and Harvard, no to foreign students.
“So, for sure ang Harvard ay magbubukas ng mga satellite schools hopefully in Asia like NYU (New York University) has in Hongkong , Singapore marami na rin (Singapore American School or SAS, Stamford American International School o SAIS).
“So, I really want him to have what I did not have. That was my dream because dahil (noon sa Pilipinas) maraming coup d’é·tat. Kaya iniisip ko parati ano kayang naging trajectory ng buhay ko kung talagang nag-aral ako abroad?
“And I want him to experience that because there (abroad), whether in Singapore or there’s also nice schools in Japan (sabay tingin kay Bimb), so I can visit you more often, I love Japan,” paliwanag ni Kris.
Nabanggit din ni Kris na marunong mag-handle ng pera niya si Bimb dahil kapag binigyan niya ito ng P50,000 ay umaabot ng dalawang buwan kumpara kay Joshua na dalawang araw lang niyang gagastusin ito.
Aminado rin na ang nanay ang dapat nag-aalaga sa anak, pero baliktad sa sitwasyon nila dahil si Bimb nga ang nag-aalaga sa kanya.
At dito nga nakuwento ni Kris na mahirap makipag-debate sa anak.
“Kasi iba ‘yung ano namin political leanings namin about America, I’ll stop there,” sabi ni Kris.
Kaya ang panalangin ni Kris ay maabutan niyang makapagtapos ang anak ng kanyang pag-aaral at makapagsilbi sa bayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.