#Anyare: Relasyong Bea Alonzo-Dominic Roque pang-Instagram lang? | Bandera

#Anyare: Relasyong Bea Alonzo-Dominic Roque pang-Instagram lang?

Reggee Bonoan |March 10,2021
facebook
share this

#Anyare: Relasyong Bea Alonzo-Dominic Roque pang-Instagram lang?

Reggee Bonoan - March 10, 2021 - 04:33 PM

WALANG reaksyon si Bea Alonzo sa naging pahayag ng tiyahin ni Dominic Roque na si Beth Tamayo patungkol sa balitang nagkakamabutihan na ang mga ito.

Sa isang panayam kay Beth na nasa Amerika na ngayon kasama ang kanyang husband, sinabi nitong, “Happy ako for them,” na ang tinutukoy nga ay ang rumored romance nina Dominic at Bea.

Hinihintay namin kung magpo-post si Bea hinggil sa pahayag ng hindi na aktibong aktres ngunit hanggang ngayon ay dedma lang siya.

Samantalang nu’ng umamin ang ex-boyfriend niyang si Gerald Anderson na girlfriend na nito si Julia Barretto ay ilang oras lang ang nakalipas ay nag-post agad ang aktres sa Instagram.

Ito yung mga litrato niya kasama ang pamilya sa farm niya sa Zambales na may caption na, “Time that is best spent with family, Time that heals all wounds, and TIME AS THE ULTIMATE TRUTH TELLER!”

Going back to Dominic, naalala namin ang usapan nina Ian Veneracion at Bea sa ipinost nitong vlog sa kanyang YouTube channel nitong nakaraang linggo tungkol sa personal na buhay ng dalaga.

Pinayuhan ng aktor ang kaibigang aktres na mas magandang mag-anak na lang at huwag na munang mag-asawa.

Base rin sa takbo ng usapan nina Ian at Bea ay hoping na makatagpo siya ng katulad ng aktor dahil nakita nito kung gaano ito ka-hands on daddy sa mga anak niya.

Kaya ang tanong namin at ng ilang mga nakapanood ay nasaan si Dominic sa buhay ni Bea? Para saan ‘yung mga ipino-post nilang pictures na magkasama sila sa dinner at out of town trips tulad ng Amanpulo.

May nabanggit din ang aktres sa ikalawang vlog niya na “Truth or Lie with Ian Veneracion” na napag-usapan nila ang tungkol sa maraming napo-post na pictures sa social media.

“The best moments are the ones na hindi nasi-share sa public.  ‘Yun ‘yung gauge, eh kapag masyadong maraming pictures sa party, ibig sabihin hindi sila nage-enjoy.  Boring talaga kapag masyadong maraming pictures,” opinyon ng aktres.

Samantala, sinilip namin ang parehong IG account nina Bea at Dominic at nawala na ang ilang litrato nilang magkasama. May mga photos sila sa IG ng aktor pero kuha pa ito last year.  Anyare?

Anyway, ang latest post ng dalaga sa kanyang IG ay mga larawan kung saan namahagi sila ng ayuda sa kasagsagan ng COVID-19 lockdown noong nakaraang taon sa pamamagitan ng I Am Hope Org na isa siya sa founder kasama ang kaibigang si Rina Navarro.

Ang caption ni Bea, “I cannot believe that it’s already been a year since we started the I AM HOPE ORG.

“It has been a year of hard work, commitment, and dedication to continuously extend help to those in need.

“We wouldn’t have reached this far without the help of our friends, volunteers, brand partners, and donors. A million thanks to you all.

“And of course, I would like to give a shoutout to @iam_mariamay our Operations Manager, for all the hard work she puts in to deliver help to our beneficiaries. And my co-founder, @thisisrinanavarro for tirelessly putting in the effort for us to do our advocacy.

“As I’ve said before, we are in this for the long haul, and we are just getting started. Happy Anniversary @iamhope_org,” ang mahabang caption ng aktres.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending